CHAPTER 39

10.7K 195 35
                                    

Chapter39

June 3 2016 1:41pm

Umaga ng Sabado bahagyang makulimlim ang langit kasabay ng mahihinang ulan.
Dito sa Holy Parish Church sa Manila. May mangilan ngilan tao ang nakasuot ng puti tahimik na nakikinig sa seremonyas ng pari.

Marahang hinawakan ni Blaire ang kamay ko kasabay ng pag agos ng luha ko.

Sa unahan nakita ko si Neil na seryosong nakatitig sa pari. Na binebendisyunan ang labi ni Emerald.

"Emerald Balderama.. Your in heaven peace now. No one will hurt you now. Babalik ka na sa piling ni Hesus."

Lumapit ako sa tabi ni Neil para makiramay.
"Neil.."
"Flissy." bahagya syang ngumiti, napansin ko ang kalungkutan sa nga mata nya.

"Condolence.." ani Blaire.

Tahimik kaming nakatitig sa asul na porcelaine jar na pinaglalagakan ng abo ni Emerald.

Tahimik lang si Neil hanggan maihatid namin sa Eternal Gardens Crematory. Katabi ng labi magulang ni Emy.

Sinamahan namin ni Balire si Nei hanggan maikabit ang lapida ni Emy.

Bahagya kong tinapik ang mga balikat ni Neil.

"Pwese ko bang yakapin yung girlfriend mo?" ngumisi ng bahagya si Neil. Kahit na nagdadalamhati sya nakukuha pa nyang magbiro.
Hindi ko na hinintay ang pag sang ayon ni Blaire. Siguro excuse naman yun pagseselos nya kapag ganitong kailangan ng tao ng karamay.

Mahigpit kong niyakap si Neil.

"Wala na talaga si Emerald.." humugot sya ng malalim na butong hininga habang nakabaon ang mukha nya sa balikat ko. Naramdaman ko ang pagod nya sa lahat ng pangyayare. Pagod bilang doctor ni Neil. Alam kong ginawa nya lahat para kay Emy para humaba pa ang buhay ng bata.

Ang mainit na luha nya ang mas dumagdag sa kalungkutan ko. Emerald is a nice girl! Lumalaban sya para sa kanser nya para humaba ang buhay. Walang pinagkaiba sa normal na taong kagaya ko. Lumalaban sa buhay sa panagarap kong makapag tapos ng pag aaral. Para kay Blaire.

"Blaire.. Pwede bang samahan ko muna si Neil?" paalam ko sa kanya. Alam kong may appoinment pa syang pupuntahan. Tsaka pakiramdam ko kailangan ng kasama ni Neil.

"Are you sure about that?" nilingon ko si Neil na inaayos ang bulaklak.
"Oo.." bahagya akong ngumiti sa kanya. Hinalikan nya ang labi ko bago sya tuluyang umalis.

"Neil.."
"Akala ko uuwi ka na? Where is Blaire?"
"May appointment pa syang pupuntahan. Sabi ko kay Blaire sasamahan muna kita?"

Ilang minutong tumahimik si Neil habang pinupunasan ang lapida ni Emy. Mahal na mahal nya talaga ang pamangkin nya.

"Flissy.. Until her last breath alam kong sinusubukan nyang lumalaban sya. Gusto nya pang mabuhay. She's too young to die." pinahid nya ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata nya. "..kahit na maliit yung tsansa na makakaligtas sya pinagsapalaran ko pa din kasi hindi lang ako yung lumalaban pati sya. Gusto nya.. Gustong gusto nyang mabuhay." tuluyan ng bumigay ang mga luha nya. Kanina sa misa ni hindi ko nakitang pumatak ni isang luha nya pero ngayon! Ngayon oras na to nakita ko kung gaano kahina sya. Lagi ko syang nakikitang masaya at laging nakangiti. Pero iba ngayon. Ibang iba namumula ang buo nyang mukha sa tindi ng emosyon. Ilang oras din syang nagluksa para sa pamangkin nya.

Tumila na ang ulan ng mapagpasyahan namin na umuwi na. Sinamahan ko sya sa bahay nila dahil may ibibigay daw sya sa akin galing kay Emerald.

Sakay kami ng itim nyang Everest patungo sa Village kung saan sya nakatira.

Tahimik sya sa buong byahe. Ibang iba sa Neil na nakilala ko noon.

Bumukas ang marangyang mansion ng mga Balderama. Mejo Western ang style ng bahay nila Neil.

Nagpahanda ng hapunan si Neil sa mga katulong nya, habang hinihintay namin ay umakyat sya sa itaas ng bahay nya.

Nilinga ko naman ang kabuuan ng bahay nya. Puti at Cream ang pintura ng buong bahay. At puro wooden furniture ang ilang kasangkapan. Malawak ang sala nila pero mas na amazed ako sa Chandelier na mahigit na apat na pulgada. Parang nakikita ko doon sa mga magazine sa bahay ni Ate Hera.

"Eto ohh.." isang malaking box ang inabot sa akin ni Neil. "..dito tayo sa pool mag usap muna."

Sumunod naman ako sa kanya. Nakapagpalit na sya ng pangbahay.

"Minda dito mo na lang ihain ang pagkain." Umupo kami sa abaka set.

"Neil nasan ba si Ate Hera? Matagal ko na syang di nakakausap sabi ni Divine hindi nya din na-ko-contact si Ate?"

"Ive already told you that we broke up.. Noong una masaya kami, siguro naging busy ako kay Emy at hindi ko na sya nabibigyan ng oras. Noong unag buwan namin sa ibang bansa madalas kami mag date pero ng lumalala si Emy hindi ko na sya naaasikaso. But she is still there noong panahon na mahina si Emy. Hanggan sa halos doon na ako sa tabi ni Emy namalagi. Her condition is getting worst. Napagpasyahan ko na mag break kami. But she is still with me. Siguro hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman namin para sa isa't isa. And then one day umalis sya at nag iwan ng sulat. Hindi ko na alam kung nasaan sya pero sabi nya sa sulat babalik sya pero hindi ko alam kung kailan."

Nakinig pa ako ng kwento kay Neil mula ng nagkasakit si Emy. Nabahala din ako kung nasaan si Ate Hera? Kung bakit sya umalis. Pasado alas nuebe ng sunduin ako ni Blaire bitbit ko ang kahon na binigay sa akin ni Emy. Naglalaman ng mga sulat nya para sa akin, isang teady bear at isang panyo na may burda na pangalan ko.

~Im all Yours Kharrian~

(Sorry kung mabagal ako mag update. Tumataas kasi ang grado ng mata ko. Halos di ko na makita yung letra kaya madaming typo. Salamat sa pagbasa!)

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon