CHAPTER 11
August 29, 2015
11:45 pm
"Good morning Blaire.." mahina kong bulong sa kanya.
"Anong oras na ba?" nakapikit nyang tanong sa akin, hinapit nya agad ang bewang ko palapit sa kanya.
"Alas sais na ng umaga. Wake up may pasok ka pa di ba?" he groaned.
Maaga akong bumangon para ipaghanda sya ng breakfast, na ayos ko na din ang isusuot nya.
"Blaire maaga akong pupunta kay Ate Hera, pwede ba kong sumabay sayo?" nag aalangan tanong ko sa kanya.
"Hmmm of course, bakit naman hindi? Besides may karapatan ka naman sa akin. Bakit pakiramdam ko lagi kang may agam-agam?" Hinawi nya ang ilang basa kong buhok at isinimsim sa kanan tenga ko.
"By the way Baby five days na lang birthday mo na, wala ka ba talagang ibang plano?" tanong nya habang bumabagtas kame sa papunta sa hospital.
"Hmmm wala naman, wala naman kasi akong kakilala na pwede kong imbitahin pa."
"How about your parents, you should invite them."
"Lumayas ako sa amin." Hindi ko pa pala naikukwento kay Blaire ang pinagdaanan ko sa sa poder ng mga magulang ko, siguro kelangan ko na din i-share sa kanya ang ilang bahagi ng buhay ko. "..si Nanay kasi ay nagkaroon ng relasyon sa isang US NAVY noong nakatira pa sya sa Subic, at ako ang naging bunga. Dahil hindi matanggap ni Nanay na gumuho ang pangarap nya dahil sa akin.." hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang kwento ko sa kanya kasi parang lahat ng masasamang alaala sa utak ko ay isa-isang pumapasok. "..minamaltrato ako ng sarili kong Ina. Nagnanakaw ako para lang may maibigay sa kanya na pera, alam ko na masama pero wala akong magawa kasi natatakot ako sa bwat bubog at masasakit na salitang binibitawan nya. Lumayas ako dahil muntik na kong galawin ng bagong kinakasama ni Nanay." Nakita ko ang pag-igting at pagkuyom ng kamay nya, natatakot ako sa reaksyon nya sa tuwing itutuloy ko ang kwento ko.
"Ituloy mo lang Flissy.."
"Binalak kasi ni Nanay na ibenta ako dito sa lungsod bilang isang GRO, pero gusto muna ng bagong kinakasama ni Nanay na gamitin ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga panahon na yon, takot, sakit at pangamba ang baon ko habang lumuwas ako dito sa Maynila. Dahil sa mga ninakaw kong pero kung sa kani-kaninong tao nagtabi ako para sa oras na pangangailangan ko at dumating nga ang aaraw na yon. Tama nga sila nakaka-akit ang ilaw dito sa lungsod yun tipong ayaw mo na alisin ang sarili mo sa ilaw kahit na mapapahamak ka pa? Kaya pala madaming nakikipagsapalaran dito dahil sa mga nagtataasan mga building at naglalakihan mga kumpanya. Takot na takot ako nun ilang taon lang ako ng tumapak ako dito sa Maynila at hindi ko alam ang kalakaran dito, may humahabol sa aking mga lalaki. Laking pasalamat ko na nabundol ako ng sinasakyan ni Ate Hera. Doon kami nagkakilala."
Bumababa kami sa parking lot, wala pa din syang reaksyon sa mga kinuwento natatakot ako nab aka husgahan nya ang buong pagkatao ko dahil sa nakaraan ko ito din ang isa sa mga dahilan kaya natatakot akong lumapit sa kanya noon. Ayokong husgahan nya ang pagkatao ko, natatakot ako na masampal ng katotohanan na hindi talaga sya sa akin. Were not the same ground, iba ang mundo nya at ang mundo ko.
"Blaire.." hinawakan nya ang kamay ko habang nasa loob kami ng elevator.
"Baby Flissy im 36 years existing in this freaking world, kung sana noon ko pa nakita hindi ka na sana naghirap pa. im fucking angry to myself. Bakit lahat ng lalaking mapapalapit sayo laging may masamang balak sayo? And fuck I want to rip their face and burn their souls! Sorry kung wala ako nung mga panahon na kailangan mo? But now ngayon nandito ka sa tabi ko walang sinuman ang pwedeng manakit sayo." Isang mainit at mahigpit na yakap ang pumawi sa lahat ng agam-agam sa ouso ko.
?Im All yours Kharrian?
BINABASA MO ANG
My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔
RomanceHighest Ranking #349 Si Blaire Cojuangco Agustin ang nagsalaba sa kanya ng mga panahon na kinaylangan nya ang tulong nito. Pero ang kapalit ay maging live-im partner nito. And thats how they start they lovestory. Sa tingin ni Flissy si Blaire na ang...