Chapter 7
2 weeks 3 days and 8hours, kaya nya ng bilangin kung ilang araw wala si Blaire para na syang ewan sa mga pinag-gagawa nya.
"Di makatulog sa gabi sa kaiisip.. sa diwa ko'y ikaw ang panaginip o bakit ba ikaw ang syang laging laman ng isip ko." halos sumayad sa lupa ang boses ni Divine sa pagkanta, tawa ng tawa ang kanyang Ate Hera samantalang sya suyang-suya na sa pambubuska nito. "Oopps sarreh, im just carried away lang tinitignan ko lang kung pwede ng pumasa yung boses ko para mapalitan kita sa stage. Sige alis na ko baka masaksak na ko ni Flissy ang babaeng nangungulila sa pagmamahal. Madam Hera magkita na lang tayo mamaya." humagalpak ulit ng tawa ang Ate Hera nya.
"Masyado kayong masaya.." nakasimangot na wika nya.
"Life must be full of fun kaya dapat araw araw tayo masaya, Right? Maikli lang ang buhay Flissy so live your life to the fullest. And about kay Blaire sinabihan kita di ba na sayo ang desisyon kung gusto mong bigyan sya ng pagkakataon."
"Mabait sya pero.. hindi ko alam kung kaya ko na ng humawak ng relasyon."
"Flissy my dear, hindi lang puro puso ang dapat pairalin sa mundo. Maniwala ka money can buy all things in earth, pera ang nagpapaikot sa mundo. Ang mga katulad ni Blaire ay isang taong kayang bilhin ang lahat, naranasan ko na din dati ang mabaliw sa pag-ibig pero wala akong napala dahil sa pera ayun nawala sya ng parang bula. Sige Flissy alam mo naman kung anong estado ng bar natin kelangan ko ng umalis." she tap her head bago ito umalis.
Sa pagkakaalam nya eh, kritikal ang The Angels bar dahil wala masyadong bumibisitang bigatin parokyano, kaya gumagawa ng paraan ang kanyang Ate Hera para hindi tuluyan magsara ang negosyo nito.
At ngayon kritikal din ang kanyang puso dahil kay Blaire, di nya alam kung ginayuma sya nito o pinakulam. Gabi-gabi kasi itong nasa diwa nya kahit saan sulok yata nakikita nya ito.
She started to tune her guitar malapit na kasi syang mag-perform.
"And now let me call on Flissy!!" masigabong palakpakan ulit ang narinig nya.
"Take time to realize uh-uh on your side, didnt i, didnt i tell you.." parang pumiyok ang gitara nya buti na lang at naagapan nya ang pag-strum ng gitara.
She saw a familiar face pero dahil maliwanag ang kinalalagyan nya hindi nya ito masyadong makita.
"You know i cant spell it out to you, you know its never gonna be that simple, but i cant spell it out to you.."
Si Blaire.. matiim na nakatingin sa kanya wala itong kangiti-ngiti sa mga labi nito. How she miss him.. She just keep singing her song.
"If you just realize, what im just realize. Then we've perfect for each other and we will never find another.. Just realize what im just realize.."
Parang gusto nyang maputol ang string ng gitara nya sa pagtipa nya, ng muli nyang titigan si Blaire may babae na itong kahalikan.
'Ganito pala ang seryoso ahh, manloloko buti na lang hindi ako nagpaloko sa kanya..' nag-ngingitngit sya sa galit, tinuon na lang ni Flissy ang atensyon sa pagkanta nya.
"You know its never the same, you know the same. Feel same thing for you. If you meet half, if you meet me half way.. If you feel the same for you.."
Kahit na gustong-gusto nya ng umalis sa stage, tinapos nya pa din ang limang set ng kanta nya. Buti na lang at walang nakapansin sa pag-aalburoto ng dibdib nya.
BINABASA MO ANG
My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔
RomanceHighest Ranking #349 Si Blaire Cojuangco Agustin ang nagsalaba sa kanya ng mga panahon na kinaylangan nya ang tulong nito. Pero ang kapalit ay maging live-im partner nito. And thats how they start they lovestory. Sa tingin ni Flissy si Blaire na ang...