CHAPTER 16

12.4K 232 7
                                    

Chapter 16

Bumalik ako sa loob ng kwarto ni Ate Hera nakita kong nakaupo si Divine sa tabi nito at pinagbabalat ng orange.

"Miss mo na agad?" usisa ni Divine.
"Hindi no!"
"Sus! Kunyareh ka pa. Sige hintayin natin makalipas ang apat na araw baka hilahin mo ng pauwi dito sa pinas si Blaire.

Umiling lang ako sa tinuran nya. Exagerrated lang siguro si Divine apat na araw lang naman si Blaire sa Bangkok. Ang alam ko malapit lang sa Pilipinas ang Thailand. Pero paano nga kaya kung sabihin ko kay Blaire na miss ko na sya. Uuwi kaya sya?

Bumaba si Divine para bumili ng makakain namin. Hindi naman boring sa hospital kahit papaano ay may TV sa kwarto ni Ate Hera. Pero wala ang focus ko sa panunuod. Lumilipad ang utak ko lulan ng eroplanong sinasakyan ni Blaire.

"Flissy tulungan mo naman akong umupo." tumayo ako sa monobloc na kinauupuan ko at iginaya ko si Ate Hera pinayapos ko sya sa batok ko at niyakap ko ang likod nya.

Nilagyan ko ng unan ang likuran nya para mas kumportable sya sa pagkakaupo.

"Ano yan?" tanong nya sabay turo sa itim kong polo shirt.
Tinignan ko ang sarili ko kahitna bahagya pa kong naka tungo.

"Is that a.. God Flissy!" mariin na sambit ni Ate Hera.

"Bakit Ate?"
"Where do you get that? Bullshit!" hinawakan nya ang kwelyo ko at ang nakabukas kong butones. Kitang kita doon ang pulang marka na pinagsaluhan namin kaninang umaga.

"Ate!"
"Si Agustin ba ang may gawa nito?" nahihiyang tumango ako sa kanya. "Did you.. ugh sex?" nanlaki ang mata ko sa tinuran nya.

"ATE Hindi pa! I mean hindi."
"Where do you get that huwag mong sabihin kagat ng insekto! I dont buy your alibi. Tell me?"
"Ate ano kasi.. Ako ang nag simula ng.. ng halik."
"I really dont know what to say. At wala din naman akong karapatan paghimasukan ang buhay mo pero isa lang ang payo ko sayo masarap mainlove ganado ka sa lahat ng bagay sa umpisa lang yan at tangin puso lang natin ang makakapagpaligaya sa atin pero sa oras na masaktan ka. Nanjan ang utak na handang sumalo sayo. You also need to use your brain not always your heart ok? Bata ka pa at madami pang mangyayari sa buhay mo." seryoso sya sa salitang binitawan nya. Alam kong nagmamalasakit lang si Ate sa akin kaya siguro overprotective sya sa akin. Sigurado naman akong hindi ako lolokohin ni Blaire nararamdaman ko yun totoong intensyon nya.

"Kain na tayo." binaba ni Divine ang supot ng isang fast food chain.

"Divine lalabas lang ako saglit."

Tinignan ko ang suot kong relo. Pasado alas doze na. Sabi ni Blaire tatawag sya kapag nakalapag na sya sa Bangkok.

Lumabas ako ng hospital at mupo ako ako sa isang bench, maganda dito sa hospital ni Ate Hera may malawak na landscape at madamin batang nakasuot ng hospital Dress at naka face mask. Nagtatakbuhab sila sa malawak at na hardin. Yun ibang mga pasyente nakasakay sa wheelchair. May mangilangilan din na nakaupo din sa ibat ibang bench.

Nakakatuwa pag masdan ang man made na park. Meron itong maliit na playground at at meron din fountain. Ito yata yun nakikita ko tuwing gabi na umiilaw tuwing gabi. May mga maliliit na bonzei na nakatanim sa ibat ibang parte ng lugar. Mejo malilim din sa bawat marmol na bench dahil sa mga puno ng ibat ibang prutas na nagsisilbing lilim. Masarap din ang simoy bg hangin na dumadampi sa balat ko. Napahawak ako sa buhok ko ng tangayin ito ng malakas na hangin.

Nakakarelax ang tanawin para sa may mga karamdaman, saludo ako sa gumawa ng parke nito. Parang nababawasan ang mabigat na nararamdaman mo sa tuwing mapapadpad ka dito at nakakaroon ka ng peace of mind.

"Excuse me.." napalingon ako sa baritonong nag mamay ari ng boses.
"Yes?"
"Pwedeng makishare ng upuan?"
Nilingon ko ang ibat ibang marmol na bench puno ang iba doon. Yun sa akin lang ang ako lang ang nakaupo. Kasya ang pangtatluhan tao sa bench kaya umisod ako ng kaunti at inokupa nya ang ispasyo sa tabi ko.

"Salamat. I need to breath a fresh air. Nakikita mo ba yun batang nakasuot ng kulay pink na hello kitty hospital dress?" sinipat ko yun tinuro nyang babae na nakasuot ng headband nakaface mask din ito, nakikita ko ang kaunti nyang buhok. Parang nalalagas na ito. Pumipitas din ito ng bulaklak ng dandelion.

"Oo bakit?" i dont know why! Pero parang magaan syang kausap.
"She is my patient and also my niece. May sakit tumor sya sa utak. Thats why she need to go on therapy. We dont know kung kaya pang makuha sa chemo ang cancer cell nya but im hoping na sana mag success ang therapy nya. By the way Im Dr. Roneil Balderama im a pediatrician specialist. You can call me Neil." nilahad nya ang kamay nya sa akin, tinanggap ko naman.

Maputi ang kulay nya at maganda ang itim nitong mata. Matangos ang ilobg nito at mapupula ang labi. Mejo magulo ang pagkakaayos ng buhok nito pero maayos naman tignan. Ito nga yata ang nakapagpadagdag sa kanya ng appeal, nakasuot ito ng puting polo at itim na jeans. Meron din stethoscope na nakasabit sa leeg nya. Bakit di ko napansin na isa syang doctor?

"Ako si Flissy Trinidad."
"Glad to meet you Flissy. I like your name, Flissy for simplicity.Anong kaso mo?"
"Kaso?" tanong ko sa kanya, tumawa lang sya sa kaguluhan ko.
"I mean anong case mo dito sa hospital?"
"Ahh sa 3rd floor ako, yun Ate ko ang nandito naaksidente kasi sya."
"Ohh akala ko kasi isa kang angel na bumaba sa langit." ngumiti nalang ako sa tinuran nya.

"Lahat ba ng doctor dito bolero?"
"Hey! im just stating the fact!" ngumiti lang sya sa tinuran ko.

"Tito Doctor! Look at this!" humahangos na lakad ang papalapit na bata.
"Hey watch your step. Emy!"
Tumingin sa akin yun bata bago humilig kay Neil at bumulong.
"She's Miss Flissy.. Why dont you introuduce yourself to her?"
"Hi im Emerald." kiming kibot nya bahagya syang tumingin sya sa akin. Maliit ang boses nya pero maganda sa pandinig.
"Hello Emerald."

"You like flowers too." sabay abot sa akin ng isang stem ng Sun Flower. She looks pale. Ang kamay nyang nakahawak sa ma bulaklak ay maputla ang kuko nitong nangingitim siguro epekto dala na din ng pagtetherapy nya.
"Thank you. Halika lapit ka sa akin." dahan dahan syang lumapit sa tabi ko, habang tahimik na nakamasid si Neil sa amin.

"You are so pretty i like your long curly tips hair." hinawakan nya ang dulo ng buhok ko.
"Maganda ka din naman Emerald. Bagay na bagay sayo ang pangalan mo para ka talagang mamahaling bato.
"You think so?" nagniningning ang mga mata nya sa sinabi ko. Ang mga kilay nitong naging manipis at ang mga pilikmata nitong paubos na. Pero kung isang normal na bata ito. Siguro Ko na magandang bata si Emerald.
"Ilan taon ka na?"

"7 years old. You know what Miss Flissy im staying here for almost one year they telling me that i need to undergo on a special therapy. They say i need to fight bad cell on my body, so they give me those yucky meds. Miss Flissy they are not taste good! They always say that it helps to my body but i feel weaker and weak everytime i take all my meds. They are all bad Doctors except for my Tito Doc." madaldal si Emerald. Kumandong sya sa akin at tumingila.

"By the way Miss Flissy im inviting you for my upcoming birthday. I hope you will coming?"
"Baka busy si Miss Flissy?"
"No its ok. Kelan ba?"
"Tito Doc say two more sleep then its my birthday!"

"Sige pupunta ako."
"Really thank you. Padadalhan kita ng invitation ok! Nakakasawa na kasi yun dati kong birthday we celebrated with my Tito Doc and Mamu. My parents are death thats why i celebrated alone. But im happy coz i have a new friend!"

"Emy its time to go back its Two in the afternoon. The session will start."
"Again! But i dont wanna!"

"Sige na Emy you should go, isipin mo na lang na yun gamot mo si powerpuff girls at ang bad cells si Mojojojo. Kaylangan nilang labanan ang sakit mo."
"You love cartoons too. You know what Miss Flissy the needles loves my vein!" nakasimangot na sagot nya sa akin.

"Emy lets go. Flissy see you around." tumayo si Neil at pinagpagan nito ang pang upo nya.
Kinarga ni Neil si Emerald at naglakad palayo sa akin. Ang maliit nitong kamay ay kumakaway saken.

"Miss Flissy kwentuhan mo ko ng alam mong fairytales ok?!" sigaw nya sa malayong distansya. Tumango lang ako bilang sagot.

Tumayo na din ako at pumasok ulit sa loob ng hospital.

~Im All Yours Kharrian~

(An: vote and comment para ganahan naman ako sumulat. Ang kalhati nitong chapter na to ay hindi ko na save dahil di ko pa masyadong gamay ang pag gamit ng phone sa pag susulat. Nakakainis talaga but i tried my best para maging kapareha nito yung una kong sinulat.)

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon