Chapter 37
January 14 2016 9:46pm
Ang malawak na Royal Hotel ang naging venue ng party. Kulay puti at violet ang nagsisilbing tema ng buong lounge meron din photo boot.
Namangha ako sa nakita ko sa bungad pa lang. Kay na King pala ang marangyang hotel. Sa pabilog na mesa kung saan nakareserba ang pangalan ng banda ni Indigo kami nakaupo. Ganun siguro talaga kapag sikat sa paaralan tinatratong VIP.
Nakaakbay sa upuan ng kaparehang babae si Indigo halos lahat sila.
"Alleah sasagutin mo na ba tong si Indigo? Aba sa totoo lang hindi na nambabae tong si Indigo!" nakangisi pa si Lenard.
"Malapit na!" ang malalim na dimples sa magkabilang pisngi nang nagngangalang Alleah Sevilla ang mas nagpalitaw sa kagandahan nya.
Ang alam ko ang kasama ni Lenard at King ay mga girlfriend nila. Si Indigo naman yung nililigawan nya. Napaisip nga ako kung bakit napasama ako dito kay Alexander. Tahimik lang sya at seryosong nakatingin sa malayo. Minsan kausap ko si Lenard kasi sya yung madaldal sa grupo pero minsan si Indigo at King minsan lang ako kikibuin ni Lex kapag bibigyan nya ko ng makakain at inumin.
Kanina na try namin buong banda na mag picture sa booth kasama din ang mga babaeng kapareha nila.
"Now let we call on our next performer. Ang bagong kinababaliwan ng buong babae sa labas at loob ng university natin ang KILL Joy!"
Malakas ang hiyawan ng tao sumabay din ako sa palakpakan.
'Madilim ang paligid.. May tumawag sa pangalan ko.. Sa isang palapag. Tinanong kung ok lang ako sabay abot ng baso.. May naghihintay.."
Spolarium ang tinutugtog nila. Luma na yun kanta pero gustong gusto ko to dahil paborito ko ang Eraserheads.
'At ngayon di pa din alam kung bat tayo nandito.. Pwede bang sabihin mo na ang pag ikot ng mundo.."
Ang baritonong boses ni Indigo ang umaalingawngaw sa buong pasilidad may mangilan ngilan ng tao na humaharang na sa unahan dahil sumasabay na sa pagyugyog at pag taas nila ng kamay sa saliw ng kanta ng KILL.
Tumayo ako para pumunta sa washroom.
Sa isang cubicle ako pumasok para umihi.
"Alleah sasagutin mo na talaga si Indi?" boses ng babae ang narinig ko pero di ko kilala.
"Swerte mo girl don ka nakaupo sa VIP na upuan."tumawa din ang pangalawang babae. Nagpatuloy ako sa pakikinig.
"Hmm hindi. May pustahan tayo di ba? Iiyak sa akin ang Indigo na yon."
"Alleah tutuloy mo pa din?"Malditang tumawa si Alleah. Kung hindi ako nagkakamali sya yung babaeng sineseryoso ni Indigo.
"Oo naman alam kong maganda ako at si Indigo ay bukod sa gwapo na sikat pa pero ayoko sa lalaking kasama sa pipitsuging banda banda lang. May mas deserving pang lalaki sa akin.." papalabas na ang boses kaya lumabas ako sa kinalalagyan ko.
'Si Indigo.. Lolokohin lang sya ng malditang yon!'
Lumabas agad ako ng CR ng biglang narinig ko ang cellphone ko.
"Hello Neil?" dahan dahan akong lumabas ng venue para humanap ng tumahimik na lugar.
"She didnt make it!" ang mahina nyang hikbi ang pumapailanglang.
"Neil hindi kita maintindihan."
"Si Emy.. Flissy wala na sya? Kahapon pagkatapos ng operasyon gumising pa sya. Akala ko stable na sya.. She cant talk but she always mouthed what she wanted to say kahit walang boses inintindi ko. Yung huling ngiti nya sa akin bago ako umalis para sana ibili sya ng teddybear at mga lobo. Pagbalik ko bigla na lang naging unstable bumilis yung heartbeats nya. I saw her in pain Flissy. Umasa ako na magiging ok sya." ang hikbi ni Neil ang pagsikip ng lalamunan ko ang dahilan kung bakit di ako nakapagsalita."Si Ate Hera?" tanong ko sa kanya.
"Halos tatlong araw na kaming di nagkikita. Tinigil ko na ang pangliligaw ko sa kanya ng inamin nya sa akin na mahal pa nya ang dating asawa nya. Uuwi kami ni Emy para sa Pilipinas sya ilibing kasama ng magulang nya. Sorry Flissy wala lang talaga akong masabihan."
"Sige Neil." hanggang sa maputol na ang usapan namin.
Umupo ako sa isang malamig na upuan na gawa sa marmol. At doon ko nilabas ang luha ko. Tahimik akong umiyak at ipagluksa ang pagkawala ni Emerald.
"What's happened?"inangat ko ang paningin ko. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha.
"Lex wala na si Emy?" tuloy tuloy ang agos ng luha ko.
Hinawakan ni Lex ang kamay ko at hinila ako sa elevator. Pinindot nya ang B.
"Hindi ko kilala si Emy pero gusto kitang damayan. Akala ko kung saan ka na pumunta kaya sinundan kita. I saw you crying kaya lumapit ako. Tell me what happened im willing to listen."
Sa kotse nya kami humantong at don ko sa kanya kinwento sa kanya si Emy.
"Iuuwi na kita you dont look to well."
Sa buong byahe tahimik lang akong umiiyak bahagya din sumisilip si Lex sa kalagayan ko.
"Oo Indi kasama ko si Flissy iuuwi ko na sya. Sumama yung pakiramdam nya.. Sige.."
"Lex salamat.." inalis ko ang seatbelt ko at binuksan ang pinto ng kotse nya.
Kasabay ko din lumabas ng kotse si Lex.
Marahan kong pinahid ang luhang lumandas sa mga mata ko.
"Flissy.."
~Im all yours Kharrian~
(Vote and comment.. Sorry ngayon lang ako nakapag update!)
BINABASA MO ANG
My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔
RomanceHighest Ranking #349 Si Blaire Cojuangco Agustin ang nagsalaba sa kanya ng mga panahon na kinaylangan nya ang tulong nito. Pero ang kapalit ay maging live-im partner nito. And thats how they start they lovestory. Sa tingin ni Flissy si Blaire na ang...