Chapter 42

7.6K 141 9
                                    

Chapter 42

November 7 2017 1:05pm

Magaan na natapos ang klase ko. Hinihintay ko ang pagsundo sa akin ni Indigo napalis ng musika sa tenga ko ang pagkainip sa kanya matagal ng ikinukulit ni Indigo sa akin ang bago nyang likhang musika. Punk Rock ang genre nya malayong malayo sa gusto kong genre. Pero nagugustuhan ko ang maingay na bagsakan nila lalo na ang makabuluhang liriko ni Indigo.

The Ghost of you ang title ng kanta na likha nya. Gusto nya na malaman nya ang saloobin ko may isang label na gustomg kumuha sa kanila. At sa tinging ko malayo ang mararating ni Indigo lalo na at talented sya.

Most of their fans is emo and gothic well yung iba naman hindi pormadong may malalang eyeliner at bangs na tumataklob sa mga mata may ilan din na normal lang at gustong gusto ang musika nila.

"Flissy." Sabay hila sa kabilang earphone ko. Si Lex! Matagal din ng huli kaming nagkita hindi ko alam kung alam ba ng kabanda nya ang damdamin nya sa akin.

Umurong ako ng kaunti at tumabi sya sa akin ang dalawang magkapatong na libro ko ang pinaka epasyo namin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya bahagya ko lang syang sinusulyapan. Kulay pulang tshirt ang suot nya at maayos ang pagkakaistilo ng buhok nya seryoso na naman ang ekspresyon ng mukha nya.

"Lex.. sorry pala nung nakaraan. Sorry hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal mo. Si Blaire sya talaga ang mahal ko."
"I know. I was the one who should say sorry, alam ko na sya ang mahal mo pero nagbaka sakali ako na baka pwede akong pumasok sa buhay mo. And im fucking stupid to say my feeling to you. I betrayed Uncle Blaire, ang gago ko lang na ipilit sayo. Pero hindi ko kayang itago ang feelings ko sayo I fucking like you Flissy. Sorry. Pero sana hindi magbago ang pakikitungo mo sakin. I dont want to lose you as my friend. Sorry kung naging hard ako sayo it was just a cover up for my feeling towards you. Can i hug you for the last time." Napakaamo ng mga mata nya. Nasasaktan ako sa pagiging bigo nya para sa akin. Ano ba naman ang isang yakap kapalit ng sakit na nararamdaman nya.

Tunayo ako at niyakap ko sya.

"Im so sorry Lex." Nag umpisa ng tumulo ang mga luha ko.
"Dont cry Flissy mas nasasaktan ako sa pag iyak mo kaysa sa heartbreak na nararamdaman ko ngayon.

Tumayo sya at kinuha ang bag na dala ko.

"Ako ang maghahatid sayo, wala si Indigo sumama kay Alleah sa Dinalupihan. Mamanhikan na yata ang gago." Bahagya pa syang ngumisi.
"Ahh ganun ba? Pwede bang sa mall mo na lang ako ihatid. May bibilhin lang ako para kay Blaire tapos pwede mo na ako iwan don."

Tumango naman sya at nag umpisa na kami maglakad papunta sa itim nyang BMW.

   "Ano bang hinahanap mo sa mall?" Sabi ni Lex habang sinisipsip yung banana shake nya. Nahihiya na nga ako dahil mukhang naiinip na sya sa halos isang oras ko ng paglilibot sa mens wear pero wala naman akong napili.

Kung pabango? Hindi ko naman alam ang tatak na gusto nya. Hinahanap ko yung katulad ng boteng lalagyan ng pabango nya pero mukhang wala yon dito. Tsaka parang sobrang common naman.
Kung damit? Hindi ko din alam ang klase ng gusto nya. Kasi kapag magkasama kami bagay lahat ng isuot nya.
Pagkain? Simula ng tumapak ako sa mansyon ng mga Agustin hindi pa ako nakakapagluto ulit.

Mejo sumasakit na din ang ulo ko sa pag iisip kung anong ibibigay ko kay Blaire na sakto sa budget ko. Yung allowance ko na ibinibigay nya ang inipon ko.

"Para ba kay Uncle Blaire ba ang ibibigay mo?" Bahagya akong tumango sa kanya. Dapat talaga nagpaiwan na lang ako dito nakakahiya talaga sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na may importante din lalakarin si Indigo. Mas sa tingin ko sya ang makakatulong sa akin sa bagay na ito.

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon