CHAPTER 3

19.6K 280 0
                                    

??Chapter 3??

"Is she ok?"

"Oo wala naman namuong dugo sa ulo nya, bukod sa fracture sa paa nya. She was a bit concious pero magkakamalay din sya and about sa pasa at sugat sa buong katawan nya sa palagay ko hindi sa aksidente nakuha ang mga yun. Parang may nagmaltrato sa batang ito."

"Talaga? Salamat Doc. kawawa naman pala ang batang to. Sige Doc ako na ang bahala sa lahat ng hospital papers para sa kanya. Ako naman ang may dahilan kung bakit sya nakahiga ngayon dito." tugon ng boses ng babae sa kausap nito, kanina pa sya gising pero hindi nya kayang imulat ang mata nya.

"Jan ka muna ahh, may trabaho pa kasi ako babalik na lang ako kapag nakauwi na ko galing work." binulungan pa sya nito sa tenga nya. Itinaas ni Flissy ang kamay nya kahit na hindi nya nakikita ang babaeng kumakausap sa kanya.

"Oh god you're awake, sandali lang tatawag lang ako ng nurse."

Nagpapasalamat sya sa babaeng nagmamay-ari ng boses na yun, kahit na-aksidente sya nito pakiramdam nya niligtas pa din sya nito sa kapahamakan.

Pagkatapos syang suriin ng doktor ay binigyan sya ng reseta ng mga gamot na dapat nyang inumin.

"Ako nga pala si Hera Angela Victorino ako ang may kasalanan kung bakit ka na-aksidente.." nakatungon wika ng magandang babae sa harap nya.

"Wala po iyon pinagpapasalamat ko nga po at kayo ang nakabangga saken, siguro kung hindi ako nabangga nyo baka pinagpyestahan na ng mga masasamang loob ang katawan ko." kahit na negatibo ang nangyare sa kanya, tinitignan nya pa din positibo ang pagkakabangga nito sa kanya.

"Bueno hindi na muna ako magtatagal, may trabaho pa kasi ako ehh. Ano ngan pangalan mo hija?"

"Flissy Trinidad po.."

"Ahh sige magpahinga ka na huwag ka ng mag alala sa bayarin akong bahala. Hintayin mo na lang ang pagbabalik ko."

Mukha naman mabait ang babae siguro sa tingin nya nasa mid 20's o 30's ito, palaging nakangiti ang mga mata nito habang nakikipag-usap sa kanya at mukha itong anghel.

Pinikit nya ang mga mata nya at ninamnam ang sarap ng pagiging malaya, hindi na sya mangangamba na masaktan pa ng kahit na sino..

*****

"FLISSY you didnt have to do this, may mga katulong naman ako and besides you are my guest." saway sa kanya ni Hera ng madatnan sya nitong nagliligpit ng mga hugasin.

"Hayaan nyo na ko Ate Hera kabayaran ko po ang pagtulong dito sa bahay nyo bilang pasasalamat ko sa pagkakaligtas nyo saken, pinatira nyo pa ako ng libre sa bahay nyo." tugon nya, it been 2 weeks since the accident happened to her, at ngayon may mga konting pasa na lang sya.

"Hay.. ok kung iyan ang magpapaligaya sayo, by the way gusto mo bang sumama sa trabaho ko? I was planning to give you a job on my bar. Hindi ko gustong maging katulong ka ng bahay ko."

"Talaga po Ate? Sige po!!" tuwang tuwa si Flissy sa narinig nya.

*****

"This is my Bar THE ANGELS hindi kami typically prostitute bar, ang mga babae dito ay hindi kelangan sumama sa mga V.I.P guest namin unless they want too. Isipin mo na lang na kame ang high class na G.R.O pero ang mga costumer namin ay mga sikat o kilalang tao."

Parang nag-alinlangan sa narinig nya sa kanyang Ate Hera, ang anghel na nagligtas sa kanya ay may negosyo na tinakasan nya sa probinsya nila. At ano nga bang pinag-kaiba ng high class na G.R.O sa low class na G.R.O para sa kanya iisa lang ang ibig sabihin nun.

"Im not forcing you to work here, gusto ko lang malaman mo kung anong klase ang trabaho ko. Huwag mo sanang isipin na masama akong babae, dahil pag mamay-ari ko ang Bar na to. For me this is my important investment kaya mahal na mahal ko ang mga trabahador ko dito. Sige umupo ka muna sa table na yun, may gagawin lang ako sa office, mamaya pa naman ang bukas ng bar ko."

Nilinga nya ang kabuuan ng Bar mukha ngan disente ang lugar kahit first time pa lang nyang makapasok sa isang Bar, pero base sa narinig at nabasa nya sa pocketbook liberated ang mga bar na nakasaad don pero ibang-iba ang ambiance ng bar ng kanyang Ate Hera.

***

"WHAT?!" galit na bulalas ng kanyang Ate Hera kaya napatigil sya sa pagpupunas ng sahig.

"Anong kalokohan to? Nasaan si Gina she was the star of the night alam naman nya na sya ang hinahanap ng mga audience ko. Bakit hindi man lang sya nag-paalam, para naman nakahanap ako ng kapalit nya."

Nakinig lang sya sa sermon ng Ate Hera nya sa tauhan nito, she was a part time janitress at The Angels bar.

"Paano na ngayon yan ha? Kaya ko bang mag-magic ng singer ora mismo? Pinapasakit nyo ang ulo ko, bring my lemon juice on my office bahala kayong maghanap ng ipapalit sa babaeng yon. Kung bakit kasi nagpabuntis sa foreigner na yon hindi naman pala sya seseryosohin." galit na binalibag ni Ate Hera nya ang pintuan ng office nito.

"Ano pong nangyare?" tanong ni Flissy kay Greg ang assistant manager ng bar.

"Yung Singer kasi natin umalis ng walang paalam kaya mainit ang dugo ni Hera.. Hayy saan naman ako hahanap ng ipapalit sa kanya?"

'Singer? marunong akong mag-gitara at kumanta pero hindi ako professional..' nasabi na lang ni Flissy sa utak nya. Kahit gusto nyang makatulong sa Ate Hera nya ay di nya kayang mag-perform sa stage habang nanunuod ang madaming tao.

Pero sa kabilang banda kaya nya bang tiisin ang Anghel na nagligtas sa kanya?

Kumatok sya sa loob ng office ni Hera aat nadatnan nya itong nakasubsob sa mga paperworks nito.

"--uhm Ate.."

"Oh Flissy come here. What can i do for you?"

"Ate tungkol sa singer po? Pwede po akong kumanta kahit ngayon gabi lang po?" tumunghay ito sa kanya na parang nag-alalangan tingin. "..huwag po kayong mag-alala gagalingan ko po."

"Ok tell me what do you need?"

"Gitara po at Piano sana? Kaso Ate Hera natatakot po ako sa stage.."

"Huwag kang mag-alala ako ang bahala, may naisip na kong paraan.."

??Im all yours Kharrian??

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon