Chapter 40
June 21 2016 7:19amNagsimula na ulit ang pasukan pero hindi muna ako pumasok.
Nililigpit ni Blaire ang ilan sa nga gamit namin dahil titira kami sa bahay ng magulang nya dahil na rin sa kahilingan ng Mama at Papa nya.
"Is it ok with you?" lumingon ako sa kanya. "..i mean we were moving out from my parents house. Pwede naman na hindi tayo tumuloy kung gusto mo?"
"Ok lang ako Blaire. Huwag mo kong alalahanin. Yung papa mo ang may gusto na tumira tayo don. Siguro wala naman masamang mangyayare. Tsaka advantage na din siguro to para magkalapit kami ni Papa. Hintayin natin na gumaling sya tsaka tayo umuwi pabalik dito?""I want you to protect to my Mom."
"Hindi mo kailangan gawin yung Blaire tungkulin lang siguro ng Mama mo na protektahan ka sa ibang tao."Hiniling ng Papa ni Blaire na kung maari ay doon muna kami tumira habang nag uundergo sa therapy ang papa nya. Ok lang naman saken siguro advantage na din para makilala ko ang magulang nya. Para mas makilala din nila ako.
Hindi naman lumayo sa school na pinapasukan ko ang village kung saan nakatira ang magulang ni Blaire. Malapit lang din naman dito si Indigo kaya pwede na din ako sumabay sa kanya pag uwi kung wala syang ibang pinagkakaabalahan.
Malaki at malawak ang bahay ng mga Agustin na may tatlong palapag at malawak na bonzei garden.
"Im glad na pinaunlakan mo ang imbitasyon ko."
"It will just last for 3 months Mom.""Kumain muna tayo." anyaya ng Mama ni Queeny.
Ramdam ko pa din ang mapanuring tingin ng Mama ni Blaire halos tumagos sa kaloob looban ko. Si Blaire ang nag aasikaso ng pagkain ko sya ang nag lalagay ng ulam sa plato ko. Kaya nakikita ko din ang mapanuring tingin ng mama ni Blaire.
Natapos ang hapunan ng hindi ko alam kung nanguya ko ba ang pagkain.
Sa dating kwarto ni Blaire kami natulog.Ayos naman ang nakalipas na araw sa bahay ng magulang no Blaire. Sa umaga papasok kaming parehas ako sa paaralan at sya naman sa trabaho nya.
Hindi pa naman kami nagkakadaupang palad ni Maam Queenie, nakakailang lang talaga ang pagtitig nya sa akin.
"Tell me hindi pa ba lumalabas ang sungay ni Momila?" Nakangising tanong sa akin ni Indigo habang naglalakad kami papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nya.
"Mukha naman syang mabait, nakakailang lang talaga sya kung tumitig minsan parang tagos sa kaibuturan ko. Yung tipong sinusuri nya ang buong pagkatao ko."
Pinagbukas nya ako ng pintuan ng kotse nya at pinasakay."Wala kang gig?"
"Meron pero ihahatid muna kita. Ibinilin ka sa akin ni Tito." Tumango na lang ako sa tinuran nya.Gusto ko sanang tanungin kung nasaan si Lex pero hindi ko mabuksan ang paksang iyon hindi ko alam kung alam nya ba ang insidente sa amin dalawa. Kaya mas pinili ko na lang ang manahimik.
"I have to go susunduin ko pa ang girlfriend ko."
"Sino? May girlfriend ka na?"
"Sinagot na ako ni Alleah pagkatapos ng party natin. We are officially together!"
"Seryoso ka ba Indigo?"
"Anong klaseng tanong yan Flissy? Syempre! Hindi pa ako maging kasing seryoso ng ganito at sya lang bukod tanging sya!"
"Pano kung niloloko ka lang na babaeng yon?"
"Dont overthing too much Flissy lalaki ako. Ako ang maghahandle kung ano man ang maging problema namin. You have nothing to worry about me. Alleah Salindre Sevilla is a good girl, she is nice only you to find out. I have to go i have some errands on my father." Sinarado nya ang pinto at pinaharurot ang sasakyan palayo sa mansyon ng pamilya ni Blaire.Gusto ko sabihin kay Indigo ang narinig ko pero parang panghihimasukan ko ang buhay pag ibig nya siguro tanging babala na lang ang kaya kong gawin para hindi sya masaktan.
Pumasok ako at hindi nakaligtas sa masusing titig ni Madam Queeny ang bawat hakbang ko.
"Magandang hapon po!"
"I knew it all along you are a hooker. Ilang lalaki ba ang kakalantariin mo bago mo hiwalayan ang anak ko?"
"Ano po?"
"Bukod sa hampaslupa ka ay mahina ka din pala umintindi. Alam ko ang nangyari sa pagitan nyo ni Alexander! Ilang milyon ba ang gusto mo para hiwalayan ang anak ko. Bumalik ka sa pinanggalingan mo!"
"Wala po akong ubang nilalandi. Mahal ko si Blaire at nirerespeto ko po kayo bilang ina ng lalaking mahal ko."
"Inggrata!" Malaka na sampal ang iginawad sa akin ni Madam Queeny."Qweeny!" Umaalingawngaw ang boses ng ama ni Blaire.
"Ano Ariston? Totoo na malandi ang nahagilap ng anak mo. Ginagatas nya si Blaire! Bata pa si Blaire para magibg sugar daddy. Palibhasa manang mana sayo parehas kayong ng anak mo parehas na mahilig pumulot ng malandi!"
"Stop it Qweeny alam mo ba kung ano ang nagppanatili sa akin dito? Reputasyon na lang para sayo sawang sawa na ako sa palagi mo na lang na pag uungkat na sa tingin mo lagi ay ako palagi ang mali at ikaw ano sa tingin mo wala kang nagawang hindi maganda!" Hindi ko alam kung anong iaakto ko sa harap nila , masakit ang pisngi ko dahil sa paglagpak ng sampal kanina ni Madam Qweeny."Pumanhik ka na hija pagpasensyahan mo na lang ang inakto ni Mommy Qweeny mo." Mahinahon ang boses ni Sir Ariston. Dahan dahan akong umakyat sa palapag ng bahay. Nararamdaman ko pa din ang epekto ng sampal ni Madam Qweeny.
Eksaherdong tumawa ang ina ni Blaire.
"Really Ariston? Ipinipilit mo talaga ang paksa na iyon? Kahit mamatay ako hindi ko tatanggapin ang malanding babaeng yan! Sino ba naman ang hindi baba ang tingin sa babaeng yan nanalaytay yata talaga ang pagkalandi sa dugo. Kay bata bata pa sumama na sa silong ng anak natin."
"Tumigil ka na pwede ba! Kapag nalaman to ng anak mo aalis iyon dito. At kapag nangyare iyon iiwan din kita!" Malakas pa din ang sagutan ng mag asawa.Sinarado ko ang kwarto na inookupa namin ni Blaire. Mga alas syete pa ang uwi nya depende kung may iba pa syang aasikasuhin sa opisina nya.
Naidlip muna ako at ang haplos ni Blaire.
"Good evening baby." Masuyong halik ang binigay sa akin labi.
"Good evening. Kumain ka na ba?" Nakasuot pa rin sya ng pang opisina kaya bumangon ako.
"Hindi pa dito ako dumiretso para hanapin ka. I like watching you sleeping baby."
Minsan talaga hindi nauubusan mg kasweetan tong si Blaire.Bumababa ako sa kama at ako na mismo ang naghubad ng sapatos nya, sinunod ko naman ang coat nya at neck tie.
"Pakasalan na kaya kita Flissy ng magibg totoo na ang pagsasama natin!"
"Ano ka ba Blaire! Masyado kang padalos dalos, ang bata ko pa para jan sa kasal." Lumayo ako sa kanya at kumuha ng pangbahay nya gray na tshirt at itim na jogging pants. Inabot ko sa kanya iyon at walang babala na hinubad ni Blaire ang polo nya. Kahit ilang beses ko ng nakita ang perpekto nyang katawan ay hindi pa din nawawala ang pagkailang ko."Your blushing baby."
"Ikaw kasi Blaire!"
"About my marriage proposal. Seryoso ako doon baby i want to be with you forever. Hindi ibig sabihin na kasal ka sa akin ay itatali na kita. I want you to also achieve your dreams at gusto ko kasama ako doon sa bawat pagtupad ng pangarap mo. Kung iniisip mo na matatali ka dito sa bahay ay nagkakamali ka jan Flissy.""Pero Blaire.."
"Im not getting younger Flissy at wala akong ibang babae na nakikitang ihaharap ko sa dambana kung hindi ikaw lang. Ikaw ang pangmatagalan ko Flissy."
"Mahal na mahal din kita Blaire sobra. Nag uumapaw sa puso ko." Pinatakan ulit ako ni Blaire ng mga halik sa labi ko. Malalim at masuyo.Ito palagi ang hahanap hanapin ko sa tuwing matatapos ang araw ko. Ang mga halik ni Blaire!
~Im All yours Kharrian~
(Hi ngayon lang ulit ako nagkabuhay magsulat nuto! I hope you all still reading this. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa konsentrasyon at hindi ko na maduktungang ang susunod na eksena at sa tingin ko mukhang nabuo ko na. Hahaha hoping na matapos ko sya! Thank you sa walang sawang pangungulit!)
BINABASA MO ANG
My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔
RomanceHighest Ranking #349 Si Blaire Cojuangco Agustin ang nagsalaba sa kanya ng mga panahon na kinaylangan nya ang tulong nito. Pero ang kapalit ay maging live-im partner nito. And thats how they start they lovestory. Sa tingin ni Flissy si Blaire na ang...