CHAPTER 23

11.8K 266 7
                                    

Chapter 23

October 28 2015 4:04pm

Pasado ala una ng bumangon ako sa higaan wala na sa tabi ko si Blaire, napagpasyahan kong maligo saglit sa banyo. Maliit lang ang CR nila pero malinis may shower din at isang balde ng tubig naka tyles ang lapag at buong gilid nito na pinaghalong puti at kulay asul.

"Flissy are you there?" sabay katok ni Blaire sa pinto.
"Oo sandali lang!" mabilis akong nagshampoo at nagsabon ng katawan. Pinapatuyo ko ang sarili ko bago ko binalot ng tuwalyang kanina ay gamit ni Blaire bigla kong naalala na wala akong dalang pamalit.

Lumabas ako ng CR nakita kong nakatalikod si Blaire at nakatingin sa maliit na bintanang kahoy.

Binuksan ko yun maliit na tokador para humanap sana ng pwede kong masuot.

"Baby wear this." lumapit sya sa kinatatayuan ko. Kinuha ko naman yun damit na nasa kamay nya na nakasamapay sa hanger.

Tumingala ako sa kanya at diretsong tinitigan ang mga mata nya.

"Your indeed beautiful baby.." inayos nya ang basa kong buhok na nakaharang sa kabilang parte ng mukha ko.
"Salamat." ngumiti ako sa kanya. Marahan nyang hinaplos ang gilid ng mukha ko bago sya nagpakawala ng hangin.

"Sa labas lang ako." binaba nya ang tukod ng bintana at lumabas sa kwarto.

Isang itim na two piece isang maong pants at isang kulay puting tube sunny dress na hanggang tuhod. May kulay pulang Bench na tsinelas ang nakalagay sa may paanan ng kawayan na higaan.

Isinuot ko ang two piece bago ang puting tube na dress at ang maong short pants na sakto lang sa kargada ng katawan ko. Sinuot ko din ang pulang tsinelas at lumabas. Nakatayo si Blaire sa may kawayan na railings at meron paikot na pasilyo para makapunta sa likod ng bahay meron kasing tatlong palapag ng hagdan bago ang pinto. Ang sahig nito ay gawa din sa kawayan.

Niyakap ko si Blaire mula sa likuran nya. "Salamat.." nakaputing Tshirt at bulaklakin pula na hawaiian short.

Humarap sya sa akin at gumanti ng yakap sa akin. Sobrang tangkad nya na aabot lang ako sa balikat nya. Siguro dahil may dugo akong banyaga kaya hindi normal na mas matataas pa ako sa mga babaeng kasing edad ko. Nag kulay morena lang ako ng araw araw akong nasa langsangan para maghanap ng taong mananakawan.

Laking pasasalamat ko talaga kay Blaire sa mga tulong na binigay nya sa akin.

Naglakad kami sa palibot ng maalon na dagat ng Baler madami din mga foreigner at iilan mga pilipino na nakikipaglaro sa malalaking alon ng dagat.

Mejo basa pa ang buhok ko na tinatangay ng hangin. Nakapulupot ang mga kamay nya sa bewang ko. Minsan hinahalikan nya ang tuktok ng ulo ko.

Umakyat kame sa isang restaurant na may mahabang pasilyo bahagyang mataas ang pagkakagawa ng bar dahil sa tubig dagat na umaabot sa ilalim ng restaurant. Meron din iilan maliliit at magkakadugtong na cotage para sa mga taong gusto ng pribadong lugar sa gitna at pinaka bulwagan ng mga taong gustong makihalubilo sa ibang tao.

Naglakad kame papunta sa pang apat na cottage sobrang lapit na nito sa dagat sa mga siwang ng kawayan sa sahig ay kita ko ang kulay asul na dagat.

Umorder si Blaire ng pagkain at ang main menu nila ay puro seafoods. Mahilig din naman ako sa seafoods wala naman kasi akong pinipiling pagkain.

"You like it?" pinaghihimay nya ako ng malaking sugpo. Sinigang ang luto nito na nasa palayok, may inorder din syang grilled tahong na may pahid mantikilya nakakaakit ang amoy nito. Meron din strawberry at grapes shake.

"Masarap yun mga pagkain dito." sabi ko kay Blaire habang nakaupo kame sa malalaking bato malapit sa sagat na hinahampas ng alon.
"Oo dito kasi ako lagi pumupunta kapag gusto kong mag break sa trabaho. I like the fresh air the breathtaking scenery and specially the waves of the sea. Do you want to try surf boarding?" tumango ako.

Bumaba kami sa malalaking bato at naglakad papunta sa cottage na maraming surf boarding.

Inabot nya aa akin ang floating jacker. Nagdadalawang isip pa ako kung huhubarin ko ang suot kong puting tube dress.

"Huhubarin ko ba to?" tanong ko sa kanya.
"No. Hayaan mo ng mabasa yan."

"Mr. Agustin yun dati pa din po ba?" isang aeta ang nakatoka sa mga board.

"Yes Sharim." ngumiti si Blaire sa lalaki at kinuha ang kulay puting board na may print na pangalan nya.

"Do you want to come?"
"Ikaw na lang muna panunoorin kita."

Tumakbo sya sa dalampasigan at bahagyang pinadausdos ang puting board nya hanggan sa lumiit nyang bulto. Para syang nakikipag sayaw sa mga alon habang lumalayo sya ay lumalaki ang alon ng tubig parang nakakatakot makipagbuno sa malaking alon paano kung malunod sya.

Tahimik lang akong nakamasid sa kanya habang sya ay nagsasawa sa mga alon.

"Bumalik na pala si Mr. Agustin. Sana sumali ulit sya sa event."
"Oo nga ehh balita ko may babeng kasama sya sa tinutuluyan nya."
"Well lagi naman syang may kasamang babae but never heard na may dinala sya sa santuaryo nya."

Nilingon ko ang naka asul at pula na nakatwo piece halos kita na ang pisngi mg mga pwet nila. Parehas ang kulay ng balat nila meztisa. Nakasuot sila ng malaking sumbrero. Napansin yata nila na tinititigan ko sila kaya iniwas ko ang tingin ko.

"Baby.." kumikinang ang mga butil ng tubig sa katawan ni Blaire umaagos ang maliliit na kristal na tibig sa mga muscle nya na nakauka. Hinawakan nya ang gilid ng mukha ko at ginawaran nya ako ng mabilis na halik.

"You want to try? Tuturuan kita."
"Ah ehh huwag na! Naalala ko di pala ko marunong lumangoy." ngumiti sa akin si Blaire, nilingon ko yun dalawang babae na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa amin dalawa.

Tinusok ni Blaire ang kanyang surfing board sa buhanginan at hinila ako palapit sa dagat.

"Them im going to teach you how to swim." nasa may bandang dibdib ko na ang tubig mejo nagpapanic na ako dahil baka bigla na lang akong lumubog, hawak kong mabuti ang kamay ni Blaire.

"Huwag mo kong bibitawan Blaire sasakalin talaga kita." nakapasan na ako sa likod nya ng dahil masyado nang malalim ang pinuntahan namin.

"No i wont baby. Bakit ko naman gagawin i died firt befpre you drown." malutong ang tawa nya dahil sa pagyakap ko sa kanya na parang tarsier.

Umikot sya paharap sa akin, pakiramdam ko kapag ibinaba ko ang paa ko ay wala akong matatapakan na kahit ano.

"I like our position its teasing me and my desire is killing me." napangiwi na lang ako sa kalandian nya.

Dahan dahan kaming lumulubog at alam kong sinasadya ni Blaire ang paglubog namin.
"Blaire!" sigaw ko bago kami tuluyan lumubog sa asul na karagatan.

(An: Sampung comment bago ko ipost ang BS. Mwehehehe vote and comment now!)

~Im All yours Kharrian~

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon