CHAPTER 2

19.8K 263 1
                                    

Chapter 2


            Hawak nya ang tatlong libong piso sa palad nya, hindi nya alam kung hanggan kelan ang perang hawak nya. Eto sya ngayon sa lugawan. Kahit na madaling araw na ay nagsilipana pa din ang mga tao sa Maynila. Tama nga ang naririnig nya maliwanag at maganda ang ilaw sa maynila nakakaakit.


Umuulan pa! Bakit ba sya inaabot ng kamalasan? Kelan ba sya makakatikim ng swerte? Pero hindi sya dapat panghinaan ng loob mamatay sya ng dilat kung hindi sya lalaban sa buhay.


Naglakad na sya palabas ng lugawan, hindi na sya pwedeng magtagal pa doon at masama na din ang titig sa kanya ng may ari ng lugawan. Hindi nya alam kung saan sya magpapahinga ngayon. Pagod na pagod na sya kanina pa sya walang pahinga nagkikirutan na din ang sugat at pasa sa buong katawan nya.


Sa tuwing nagagawi sya sa madilim na parte pakiramdam nya may sumusunod sa kanya, kaya napapalingon sya. Nagdasal ulit sya sa Diyos, humigpit ang hawak nya sa bag na suot nya at sa bulsa na naglalaman ng kakarampot na pera nya. Binilisan nya din ang lakad nya dahil ramdam na ramdam nya ang presensya ng mga taong sumusunod sa kanya.


"Sandali lang Miss masyado ka naman yatang nagmamadali? Tignan mo basang-basa ka na? Halika sumilong muna tayo kahit saglit may alam akong lugar, doon sa lugar na maiinitan tayong dalawa." nagtawanan ang dalawa pang kasamahan nito, habang hawak hawak ang braso nya.


"Bitawan nyo po ako, uuwi pa po ako samin." pagsisinungaling nya.

 

"Kahit parang nakipagsuntukan ka kay Pacquio mukhang ang ganda ganda mo pa din at tsaka ang kinis ng balat mo, parang ang sarap halikan at hawakan.." pinasadahan sya nito ng nakakapang bastos na tingin, kaya napatakip sya sa katawan nya.


"Huwag mga bastos!!" kinagat nya ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kanya at ng bumitaw ito sa kanya kaagad syang tumakbo papalayo. Halos madapadapa sya sa pagtakbo pero pinilit nya pa din makalayo.

            Isang malakas na tunog ng gulong ng kotse ang huling narinig nya, habang naitakip ng lang ni Flissy sa mukha nya ang sariling mga braso sa parating na kotse. Tumilapon sya ng ilang metro at bumagok ang ulo bago sya nawalan ng malay.




??Im all yours Kharrian??

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon