CHAPTER 54
Novemeber 18 2018 2:04pm
(Dedicated to: NadyDalisay tha k you for your support)
We celebrate Christmas and New Year together. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakasama ko si Blaire at Tyrone. Si Blaire na ang nag aalaga kay Tyrone sya ang nagbibigay ng gamot nito mukhang nagkakasundo naman sila at iyon naman ang gusto.
Ilang araw na din pasumpong sumpong ang pagsakit ng balakang ko sa tuwing nakikita ako ni Blaire na sumusumpong ang tiyan ko ay halos ay parang sya ang nakakaramdam ng sakit ko. January na at ngayon na ang kabuwanan ko. Pero mula nitong umaga maya't maya na ang pagsumpong ng tiyan ko. I keep updating my OB sa Mapple Grove Hospital and she said na ihanda na ang mga gamit ko kung sakali na mapaanak na nga ako.
Hindi na din ako masyadong pinapakilos ni Blaire sya na lahat ang umako sa mga gawain ng bahay. Triple ang pag aalaga nya sa amin ni Clepper nickname namin sa kanya aming baby nakakatuwa nga dahil pumayag si Blaire na gamitin ang ibinigay na pangalan ni Tyrone.
"Are you ready?" Nagmulat ako ng matapos akong lagyan ng eyeshadow ni Xiel. "I still remember noong dalagita ka pa ay inaasahan ko na mas gaganda ka kapag nasa tamang edad ka na but looking at you know. Ilang taon ka na nga ulit twenty four or twenty five? You are blooming dala na siguro ng pagbubuntis." Nude makeup lang ang ginawa ni Xiel nasa loob sya ng kwarto ko sya ang nag aayos sa akin.
Ngayon ang araw ng kasal ko. Ganoon kabilis at ganoon kahanda si Blaire sa bago pa lang sya pumunta ng Minnesota ay naplano nya na ang wedding namin. Sa Excelsior Lake sa Minnetonka kami ikakasal. Ang ilan sa pamilya Cojuangco ay nandito nakakatuwa din dahil kasama si Ate Hera at ang dalawa nitong anak. Si Indigo at ang kanyang banda ang kakanta sa kasal ko. Maging si Divine at ang fiance nito ay nandito lang. Tanging si Storm lang na asawa ni Ate Jhaica ang nakadalo sa kadahilanan nagdadalang tao si Ate at limang buwan na itong buntis. Ganun kaintimate ang mangyayaring kasal mejo kinakabahan at ninenerbyos ako at the same time. Pero lubos lubos ang kasiyahan na nararamdaman ko.
Kinulot nya ang laylayan ng buhok ko ibinalik ko na sa kulay itim iyon dahil ayaw ni Blaire na blonde ang kulay ng buhok ko naalala nya daw kasi kung gaano katapang ang features ng mukha ko kapag blonde ang buhok ko. Kung gaano ako nagmatigas sa kanya. Nagmumukha daw kasi akong banyaga para sa kanya.
"Mababaliw na naman si uncle Blaire nito sayo. Your so beautiful no words can express how you look right now." Inayos nya ang tali sa suot kong panglamig. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin para akong si Snow white na may suot na malaking puting kapa.
"Lets go. Bumaba na tayo at baka naiinip na ang mapapangasawa mo kakahintay sayo." Gustong gusto ko kapag si Xiel ang nag aayos sa akin may dala kasing magic ang mga kamay nya. Sinukbit nya ang professional camera at kinuhaan nya ang bawat kilos ko.
BINABASA MO ANG
My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔
RomanceHighest Ranking #349 Si Blaire Cojuangco Agustin ang nagsalaba sa kanya ng mga panahon na kinaylangan nya ang tulong nito. Pero ang kapalit ay maging live-im partner nito. And thats how they start they lovestory. Sa tingin ni Flissy si Blaire na ang...