5: Some jokes are half meant

583 55 37
                                    

Chapter 5: Some jokes are half meant.

Ria's POV

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas ng bintana. Hindi ko maiwasan ang mapa buntong hininga na lang nang maalala ko ang nangyari kanina.

"Honey bunch okay ka lang ba?" Pagtatanong sa akin ni Louis at bahagyang tumingin sa gawi ko.

Andito kaming dalawa sa kotse niya at katabi ko lang siya dito sa backseat. May driver siya kasi sabi niya wala pa daw siyang lisensya kaya ayun.

Sabi niya din kanina na mas mabuting magpahinga na lang muna ako dahil wala pa akong kinakain na maayos atsaka lumayo daw muna ako doon sa galunggong na putanginang yun. Dapat nga sa bahay niya ako iuuwi kaso binayagan ko siya kaya didiretso na lang kami sa bahay nila.

Medyo kinakabahan ako kasi diba? You know, alien things. Baka mamaya may ginagawa pala silang ritwal doon at gawin akong official alien.

"Okay lang ako." Matamlay na sagot ko sa kanya.

Napansin kong napa buntong hininga si Louis, "Hon, wag mo na lang isipin yun."

Nginitian niya na lang ako na nakaka panlaglag panty nang mapansin niyang hindi ako makapagsalita, "Halika na nga para maipakilala kita kay papa at mama mamaya." Saad niya pa at muling tumingin ng diretso.

Agad naman nanlaki yung mga mata ko.

"PUTANGINA ANONG HALIKAN NA?!" Medyo shock na sigaw ko sa kanya.

Napansin ko naman na napa kunot yung noo niya, "Sabi ko 'Halika na' hindi 'Halikan na'. Hon naman eh, kung gusto mong mag halikan tayo gagawin ko naman sa 'yo pero wag ngayon kasi kasama natin yung driver ko." Saad niya.

Dahil sa sinabi na ay binatukan ko siya.

"Aray ko naman hon!" Saad niya habang hinihimas yung parte na binatukan ko.

PERO OMAYGHAD UMASA KASI AKO. 

Nang itinigil na nung driver yung kotse sa gilid ay agad na akong bumaba dahil sa bwisit ko. Nakakahiya kasi ang landi landi ng isip ko jusko.

Aalis na sana ako kaso napatigil ako ng may nakita akong malaking bahay sa harapan ko.

"Wow." Hindi ko maiwasan ang mamangha.

"Pasok na tayo?" Pag aaya sa akin ni Louis at wala na akong ginawa kundi ang tumango na lang.

Dapat mag wawalk-out ako pero nevermind na lang.

Pagkapasok pa lang namin sa bahay nila ay mas lalo akong namangha. Puro puti lang yung nakikita ko tapos kumikinang kinang pa yung paligid. Jusko nasa langit na ba ako?

Mas lalo akong namangha nang may nakita akong isang napaka gandang chandelier na nasa sala nila at kumikinang ito sa ginto. Naiingit ako. Gusto ko na ding tumira dito enebe.

"Hon wag kang masyado ma amaze diyan. Tara punta tayo sa kusina at papakainin pa kita at syempre bubusugin din kita ng pagmamahal ko." Saad niya kaya naman napangiwi na lang ako.

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ko na lang na hinawakan niya yung kamay ko at hinila papunta doon sa kusina nila.

"HOMAYGAD." Manghang saad ko sa kanya ng may nakita ako sa lamesa nila na napaka daming iba't-ibang klaseng prutas at mga kung ano-anong pagkain.

Umayghad thiz is heaven. Unlimited foods pala ang meron sila Louis pero bakit hindi naman siya tumataba? Oh well, dito na talaga ako titira. Mag iimpake na ako pag uwi ko sa bahay namin.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon