EPILOGUE

224 24 216
                                    

Note: Vote muna bago read! Hahaha! ;--))

EPILOGUE

7 years later...

Arjin's POV



"Nathan! Okay na ba ang damit ko?" Rinig kong tanong sa akin ni Irene at napangiti na lang ako.

Umikot siya sa harap ko at pinakita ang dress na suot niya.

"You're gorgeous as ever." Saad ko at hinalikan ko siya sa noo niya at napatawa na lang siya ng mahina.

"Brice Nathan! Irene! Bilisan niyo na aba!" Rinig ko ang boses ni Asher sa labas kaya niyaya ko na lang si Irene na lumabas.

Nakita ko si Trystan na naka tuxedo katulad ko at si Zane na kumakaway sa amin sa loob ng kotse at may kasama silang isang bata na tuwang tuwa na makita kami.

"Papa Brice! Mama Irene!"

Napangiti na lang ako ng may isang batang babae ang tumatakbo palapit sa akin kaya niyakap ko ito at agad na kinarga.

"How's my princess?" Tanong ko sa kanya at napangiti naman siya ng malaki.

"I'm okay papa Brice. You look handsome today and Mama Irene look so pretty." Saad niya kaya nagkatinginan kami ni Irene at napangiti.

"Kiss mo nga si papa at mama sa cheeks dali." Giit ni Irene kaya agad niya kaming hinalikan sa pisngi.

"Hay nako Brice at Irene mamaya na yan at sumakay na muna kayo sa kotse. Nag aalburuto na yung groom na si Dexter sa simbahan dahil wala pa tayo." Saad ni Trystan.

Naglakad na kami papunta sa kotse niya at agad na sumakay doon.

"Uzielle halika nga dito! Mahiya ka sa tito Brice at tita Irene mo!" Giit ni Zane at napanguso na lang yung anak nilang si Uzielle.

"But mom I prefer to call them mama and papa." Pangangatwiran pa niya at napatawa na lang ako.

"You call other's mama and papa too. Kaya madaming nag-aakala na anak ka ng bayan eh." Sagot pa ni Trystan.

"Shut up dad. Si mom ang kinakausap ko." Sambit ni Uzielle.

"May pinagmanahan talaga." Giit ni Irene kaya nagtawanan kaming lahat.

"Nagmana siya sa kagandahan ko syempre. Okay inaamin ko na medyo sa ugali pero sa lahat naman na pwedeng mamana niya kay Trystan, height pa talaga. Flight Attendant pa naman gusto ni Uzielle pag laki." Saad ni Zane sa amin.

"Dad is really small. He has the same height as Mom." Dagdag pa ni Uzielle.

"Aray naman." Saad ni Trystan na nagmamaneho.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon