10: Bottled up

415 50 38
                                    

Chapter 10: Bottled up

Ria's POV

Kung sino pa yung hindi ko ine-expect na tao na tulungan ako siya pa pala yung dadating.

At kahit may pagka bobo si Honey bunch ko atleast alam niya naman ang tumulong.

Lol ang harsh ko naman. Pero bobo naman talaga si Louis eh.

Yung bobo-o ng buhay ko :'>

Putangina im so cheezy na. Basta malaki ang pasasalamat ko kay Honey Bunch ko.

So ayun, sa sobrang sakit ng ulo at katawan ko ay nag collapse ako at nagising na lang ako dito sa hospital. Wala akong ibang kasama nung paggising ko pero mas okay na yun.

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang isang pamilyar na masakit pero may naramdaman akong isang tela na nakapalibot dito. Naka benda pala ang noo ko.

Napabuntong hininga na lang ako at pinagmasdan ang kwartong kinaroroonan ko. Haays this hospital is sooo boring. Puro puti lang ang nakikita ko at may dextros pa yung kamay ko which is super duper sucks. Mashaket kaya.

"Ms. Kim?" Napatingin na lang ako sa may pinto ng may pumasok na isang doktor.

Lalaki siya at hindi pa siya ganun katanda. May kamukha siya pero hindi ko lang masabi kung sino. Pamilyar kasi yung mukha niya.

Lumapit siya sa akin at bahagya akong nginitian. Oh yan! Yung ngiti niya sobrang pamilyar talaga.

"May masakit pa ba sa 'yo?" Tanong nito sa akin.

"Actually my heart hurts kasi may gusto ako sa isang tao na ayaw sa akin. That's all. Thank you." Yun na lang ang sinabi ko at nginitian din siya.

Ewan ko pero bigla ko nanaman naalala si Arjin haays.

"Ms. Kim medyo lumalala na ang anemia mo at nakakadagdag pa yung allergy mo. Bakit ka pa nagpagkulay ng buhok kung alam mong meron ka naman pa lang allergy sa mga pangpakulay?" Tanong nito sa akin.

"Because of that boy who doesn't give a shit on me." Malumanay na saad ko.

"Just turn your hair to black again hija. Masyadong komplikado ang lagay mo." Aniya.

Tinignan ko naman siya, mukha siyang nag-aalala sa akin.

"That's a no-no. Turning my hair to black again will cause me allergy again so yup. Mas okay ng ganito ang buhok ko and also I'm look so fab here." Lintaya ko at bahagyang flinip ang maganda kong buhok sa kanya pero napangiwi na lang ako sa sakit. Sinabunutan nga pala ako.

Nakita kong napa singhal na lang yung doktor dahil sa sinabi ko.

"Oo nga at magkaka allergy ka pag binalik mo ang kulay ng buhok mo sa dati pero it's much better than that red color. Yung pangpakulay na nilagay sa buhok mo masyadong matataas ang mga chemicals kaya sobrang delikado sa 'yo." Mahabang lintaya niya na parang nag-aalala.

Nope. Ayoko. It's bullshit but may usapan kami noon ni Cassie. Walang kwenta pero pinanghahawakan ko pa rin ito. Napangiti na lang ako ng mapait ng maalala ko nanaman ang nakaraan.

***

"Hey Victoria!" Bati sa akin ni Cassie at binagsak sa harapan ko ang napakaraming libro.

Napa-irap na lang ako ng palihim at tumingin sa kanya, "What do you need?" Malumanay na saad ko.

"Answer this all. Kumpletuhin mo ang mga requirements na kulang ako kung ayaw mong masaktan." Pagbabanta niya sa akin at pinanlisikan ako ng mata.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon