6: Effort

584 55 50
                                    

Chapter 6: Effort

Ria's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko at naka higa sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Inaalala ko pa rin yung mga nangyari kanina lalong lalo na yung panahon na nagtama yung mga mata namin ni Arjin.

Hindi ko alam pero bumilis nanaman yung tibok ng puso ko nang maalala ko yun. Itong mga nakaraang araw madalas ng nagtatama yung paningin namin ni Arjin. Nakakatuwa dahil noon ni isang segundo hindi niya ako matignan pero ngayon..

"Putangina mo Arjin pinapagulo mo lalo yung isip ko punyeta." Bulong ko sa sarili ko at bahagyang napa buntong hininga na lamang.

Dahil sa mga naiisip ko ay hindi ko na naiwasan pang guluhin ang buhok ko.

Bakit ba lagi na lang nasulpot yung poreber ko na yun kung saan saan? May super power din ba siya na katulad ng kay Louis? O baka naman nahawaan na siya ng pagka alien ni Louis?

Putangina bakit pati si Louis naiisip ko na din ngayon?

"Argh peste!" Sigaw ko na lang at muling ginulo ang buhok ko.

Nang maka recover na ako sa kabaliwan ko ay napatulala na lang ako sa kisame. Pakshet ngayon lang ako naguluhan ng ganito.

Hindi ko alam kung bakit naging ganun ka moody si Louis tapos idagdag mo pa yung pinapakitang ugali ni Arjin ngayon.

Ang sakit nila sa kili kili pramis.

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng marinig kong nag ring yung cellphone ko.

May punyetang tumatawag.

"Putangama naman oh!" Inis na sigaw ko at sinagot na lamang ang tawag kahit sobrang labag sa kalooban ko.

"Hello?!" Sigaw ko sa kabilang linya.

Naghintay ako ng kahit anong response mula doon sa tumawag pero wala akong narinig na nagsalita kaya naman tinignan ko yung screen ng phone ko. Isang unregistered number.

"Hoy kung sino ka mang anak ng nanay mo tangina mo ibaba ko na 'tong tawag kung ayaw mong sumagot!" Sigaw ko na lamang.

Gabing gabi na may gago pang mantritrip? Aba puta ang gulo gulo na nga ng utak ko dahil sa punyetang nangyari kanina makikidagdag pa 'tong kung sino mang galing sa sperm ng tatay niya.

"Kung ayaw mo magsalita edi bye." Yun na lang ang nasabi ko dahil wala akong oras para makipag gaguhan.

Ibaba ko na sana yung tawag nang may narinig akong magsalita.

("Hoy Asher I-loudspeaker mo nga yan! Di ko marinig yung sinasabi ni Ria!") Saad nung tao sa kabilang linya.

Asher? Yung kabayong minamalignong ka tropa ni Arjin?

Omayghad.

("Waah! Suko na ako kayo na lang kuma usap kay Ria! Ang sungit niya!") Sigaw naman ni Asher.

("Wag ka ngang maingay! Baka mamaya marinig tayo ni Arjin na kinaka usap natin si Ria! Magagalit nanaman yun!") May narinig akong sumigaw niyan kaso di ko mabosesan kung sino dahil nagkaka gulo na sila doon.

Parang may nagsusuntukan, sigawan, batuhan ay ewan! Basta may naririnig akong mga kung ano anong bagay na parang nagliliparan.

("Hello Ria? Si Dexter pala 'to. Wag mo na lang isipin si Asher hehe-- Hoy! Wag nga kayong makulit diyan sinasabi ko talaga sa inyo pag naka halata si Arjin dito babanatan ko kayo isa-isa.") Saad naman ni Dexter.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon