Chapter 8: Bwisitor.
Ria's POV
Nakatulala lang ako sa pagmumukha niya habang pilit paring iniintindi yung tanong niya sa akin.
Bakit niya ako tinanong ng ganung klaseng tanong? Hindi kaya...
Bakla si Arjin at type niya si Joshua kaya nagseselos siya?
Umayghad, nagmahal na ba ako ng bakla?
"Nevermind." Tanging saad na lang ni Arjin sa akin atsaka umiwas na lamang ng tingin. Siguro napansin niya na hindi ako makapagsalita kasi mukha ng natatae na ewan yung itsura ko ngayon habang nakatingin sa kanya.
Paano ba naman kasi, baka bakla talaga 'tong forever ko. I mean okay lang sa akin na bakla siya atleast nakaka buntis pa rin pero pakshet bakit sa lahat ng lalaki na pwede niyang magustuhan si Joshua pa?
Umiwas na lang din ako ng tingin kay Arjin kasi sumasakit talaga heart ko pag naiisip ko yung naiisip ko kanina pa. Pero kung mahal talaga nila ang isa't-isa, handa akong magparaya para kay Joshua kahit mosocket gagawin ko.
Napansin ko naman na napa tayo si Joshua sa kinauupuan niya kaya naman nakuha niya ang atensyon naming lahat.
"Uhm excuse me, una na ako sa inyo may gagawin pa kasi ako." Saad niya sa amin habang hawak hawak yung cellphone niya. Halatang namumutla din siya. Okay lang ba siya?
"Yan tama yan! Umalis ka na sa pamamahay ni Betreese my honey bunch! Wag ka ng babalik dito! Mukha kang bayag pest--!" Hindi ko na pinatapos pa magsalita si Louis at pasimple kong binato sa kanya yung lampshade namin.
Putangina talaga nitong alien na 'to. Kung ano-ano nanaman yung pinagsasabi. Highbood talaga 'tong hinayupak na 'to kay Joshua.
Nakita kong ngumiti na lang ng kaunti si Joshua atsaka lumabas na ng bahay.
Hindi naman ako mapakali kasi pakiramdam ko may problema talaga siya at tumayo na lang din ako sa inuupuan ko.
Napansin ko naman na napa tingin sila sa akin pati na din si Arjin. Halata namang alam na ni Cliff yung gagawin ko kaya nginitian niya na lang ako.
"Excuse me lang din." Saad ko na lang sa kanila at sinundan na agad si Joshua.
Pagkalabas ko pa lang ng bahay ay kita ko na halos hindi na mapakali si Joshua at hawak hawak pa rin yung phone niya na parang namomroblema talaga.
"Kuya Joshua.." Pagtawag ko sa kanya kaya naman agad siyang napa lingon sa gawi ko.
Nakita kong ngumiti siya, "Oh Ria, bakit ka andito?" Pagtatanong niya sa akin.
"May problema ba?" Pagtatanong ko din sa kanya gamit yung malumanay kong boses.
Nakita ko naman na napa buntong hininga siya, "I'm sorry Ria pero kelangan ko na talagang umalis eh. Babawi na lang ako sa 'yo next time." Saad ni Joshua.
Nginitian ko na lang siya, "Alam kong importante yan kaya gorabells lang. Basta kuya pag may problema try mo kong sabihan para naman matulungan kita." Saad ko.
Nginitian niya na lang ako at ginulo ang buhok ko, "Sige una na ako, mukhang mainit yung ulo nung honey bunch mo sa akin. Feeling ko konti na lang ipapaabangan na ako nun sa kanto eh." Medyong natatawang saad niya.
Malamang si Louis ang tinutukoy nito. Abnormal kasi talaga yung isang yun eh.
Nagpa-alam na sa akin si Joshua pero bago siya tuluyang maka alis ay tinawag ko siya, "Joshua.." Pagtawag ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/31934421-288-k140143.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfiction❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015