Chapter 52: Rippled Effect
Arjin's POV
Napapikit na lang ako habang pinapakinggan ko yung pag-uusap ni Louis at Victoria.
I see.. She's too curious about Hyyh and that's bad.
Once na malaman niya kung sino ba talaga si Hyyh, everything will get more worse.
Napa ayos na lang ako ng tayo ko ng biglang bumukas yung pintuan at nilabas nun si Louis na may dalang dalawang mug.
Medyo nagulat siya ng makita niya ako pero agad siyang naglakad at nilagpasan niya lang ako
Napatigil naman siya sa paglalakad nang tawagin ko siya.
"Louis." Pagtawag ko sa pangalan niya.
"Wag kang mag-alala di ko sinabi sa kanya. Tinupad ko yung pangako natin." Malamig na saad niya pero napa iling lang ako.
"Hindi yun. Gusto ko lang malaman kung nakita mo na ba si Hyyh." Dahil sa sinabi ko ay nakita kong napahawak siya sa mug ng mahigpit.
"Oo. Ilang beses na pero hindi ko lang pinapansin kasi akala ko namimilik mata lang ako pero sa nangyari kay Ria? Alam kong siya ang may gawa nun." Saad niya pa at napatango na lang ako.
"I see.. We just need to protect her more from now on. Hindi natin alam kung ano pa pwede niyang magawa kay Ria." Saad ko.
"Hindi mo na kelangan pa. Bilang asawa niya kaya ko na siya protektahan mag-isa."
"I need to. Bilang kapatid kelangan ko din siya protektahan." Giit ko at nakita ko naman na mas lalong napahigpit yung hawak niya sa mug niya.
Tumalikod na lang ako mula sa kanya at akmang aalis na ako nang magsalita siya.
"Aagawin mo ba ulit mula sa akin si Ria katulad ng ginawa mo kay Hyyh noon?" Tanong niya at bahagya na lang akong napangiti.
"Nope. I won't do that mistake all over again even though I wanted to runaway with her right now. And I hope na sana naman wag kang maging makasarili sa kanya porket magiging asawa ka na niya. She's my sister and it's impossible to avoid and get distance to her." Saad ko na siya namang ikinatahimik niya.
"And once again, please make her happy. A santan would do. She loves it so much."
Pagkatapos nun ay umalis na din agad ako.
At least kahit ganito yung nangyari may magagawa pa rin ako para mabantayan at makita siya. I guess being her brother isn't bad at all. Maproprotektahan ko pa rin siya.
Napadaan ako sa kwarto niya at saktong bukas yung pinto kaya naman nakita ko na natutulog na siya. May dextrose siya at halata pa rin yung sugat sa leeg niya. Napayukom na lang yung kamao ko. Hindi sana mangyayari 'to kundi sakin.
Pero atleast simula ngayon madalas ko na siyang makikita. Kahit masulyapan ko lang siya mula sa malayo ay okay na ako. Tutal ganito lang din naman ginagawa ko noon. I'm used to this set up.
Napangiti na lang ako ng bahagya at dumiretso na ako sa panandaliang magiging kwarto ko sa bahay nila at pumasok na dito.
Mom and Dad wants me to stay with them kasi mag o-out of the town sila para asikasuhin yung business. Ayaw naman nila akong iwan mag-isa at mas mabuti na din daw 'to dahil doon sa nangyari kay Victoria kanina. Mas mabuti na bantayan ko din siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/31934421-288-k140143.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfic❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015