Chapter 44: Once upon a time
Ria's POV
"Victoria anak, kamusta naman yung trip niyo? Okay naman ba?"
Napasinghal na lang ako at napangiti habang nilalagay yung buhok ko sa gilid ng tenga ko.
"Okay naman Ma, masaya naman." Pagsasaad ko na lang at nakita kong napangiti na lang si mama at bahagyang napatango.
Napayukom na lang ako ng kamao sa ilalim ng lamesa at hanggat maari ay sinasagot ko yung mga tanong ni mama kahit sa totoo lang, wala akong sa mood ngayong araw.
Andito kaming dalawa ni Mama sa restaurant para mag bonding at mag usap. Nakakatuwa lang dahil nagkaroon na rin kami sa wakas ng time na kumain ng sabay na walang sigawan at sagutan.
Hanggat maari ay ginagawa ko ding masigla yung boses ko sa tuwing tinatanong ako ni mama para naman di siya mag alalala sa akin pero masyado pa ring occupied yung utak ko sa mga nangyari netong mga nakaraang araw.
Napatigil ako sa pagkain at napatulala nanaman sa kawalan. Iniisip ko nanaman yung mga nangyari sa hotel lalong lalo na lahat ng memories namin ni Arjin. Hanggang ngayon wala pa rin akong sa kanya pagkatapos nung trip kaya naman sobra na akong nag-aalala.
"Victoria tulala ka nanaman. Sabihin mo nga sa akin, may problema ka ba?"
Napa lingon ako kay Mama ng bigla na lang siya nagsalita. Kita ko na naka kunot na yung noo niya.
Napailing na lang ako at napangiti, "Okay lang talaga ako Ma, naisip ko lang bigla si Cliffton. Di niya pa kasi nababayaran yung utang niya sa akin sa trip." Pagdadahilan ko na lang at mukha namang nakubinsi si mama.
"Ah ganun ba, pero anak yung pinag usapan natin ha? Sapat na ata yung mga panahon na nag stay kayo sa hotel at sobrang lapit na talaga ng birthday mo. Pumapayag ka na ba anak sa kasal?" Biglang tanong ni Mama sa akin.
Hindi naman agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Mama. Problema ko pa pala yun. Tangina di ko pa rin alam pero ano namang magagawa ko?
"Ma, di ko pa po talaga alam. Pasensya na po." Pagaamin ko at napayuko na lang ako.
Lagi na lang ako naging pasaway kay mama. Siguro naman pag pumayag ako diba makakabawi na din ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya?
"Okay lang anak, basta kapag di ka na nalilito sabihin mo sa akin yung desisyon mo. Sige punta muna ako ng restroom?" Paalam sa akin ni mama at nginitian ako. Ngumiti na lang ako pabalik bilang tugon.
Napabuntong hininga na lang ako at kumain na lang ulit ng maka alis na si Mama. Pinipilit kong di ma stress kasi alam kong masama pag masyado akong mag over thinking pero di ko talaga kaya. Kahit anong gawin ko lagi ko talagang naiisip si Arjin tas makikidagdag pa yung kasal. Kahit naman papiliin ako ni mama pakiramdam ko no choice pa rin ako.
Isang linggo na din ang nakakaraan simula ng maka uwi kami mula sa trip at isang linggo na din ang nakakalipas nung huli kong nakita at nakausap si Arjin.
Hindi na din siya napasok ng school na siya namang pinag aalala ko. Ang dami na niyang na missed na lesson at ang dami na ding kulang sa grades niya. Kinakabahan ako kasi pag di niya na complete yun baka mag repeat pa ulit siya.
Ako na din mismo ang gumagawa ng paraan, chinachat ko siya sa fb tungkol sa school, dadaan ako sa bahay nila para mag iwan ng notes, mga listahan ng kelangan niyang habulin sa grades niya at nilalagay ko yun sa locker niya pero wala.
Tangina naman, gusto ko na talaga siya makita at maka usap ulit.
Nilapag ko na lang yung kutsara ko sa lamesa. Tangina ang mahal pa naman ng pagkain dito tas ang sasarap pa kaso bigla na lang ako nawalan ng gana.
![](https://img.wattpad.com/cover/31934421-288-k140143.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfiction❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015