Chapter 30: Set up
Ria's POV
Dahan dahan kong binuksan yung pintuan ng kwarto namin ni Irene at tinignan ang hallway ng hotel.
Napahinga na lang ako ng maluwag ng mapansin kong walang tao.
Agad ko namang sinabit sa leeg ko yung camera ko.
Agad naman akong lumabas at sinara na din agad yung pintuan.
Lecheng Irene na yun, hindi na ako binalikan. Bwiset eh.
"Honey bunch!" Napapitlag na lang ako ng marinig ko yung pamilyar na sigaw na yun.
Nakita ko si Louis na naka ngiti ng malaki habang tumatakbo palapit sa akin at may suot suot na malaking backpack.
"Betreese ko!" Nang maka lapit na siya sa akin ay bigla na lang niya akong sinalubong ng yakap.
"Oh anong nangyari sa 'yo?" Naguguluhang tanong ko.
"Kanina pa kita hinahanap! Di ko kasi mahanap yung kwarto niyo ni Irene eh! Na miss kita!" Sigaw niya pa at mas lalo pang siniksik yung sarili niya sa akin.
Jusko eto nanaman siya. Magkasama lang kami kanina sa may bus eh.
"Bakit andito ka pa? Nasan na yung ibang kumag?" Tanong ko sa kanya dahil siya lang yung nakita ko. Jusko baka maano yung ambush mga bobo pa naman yung mga yun.
Agad naman siyang humiwalay sa akin, "Hinahanap kasi kita eh atsaka sila Dexter andoon sa baba. Pupunta na daw tayo doon sa Banaue kasama yung mga kaklase natin dahil magsisimula na yung tour." Pagbabalita niya sa akin.
Napa buntong hininga na lang ako, "Sige halika na bumaba na din tayo." Saad ko sa kanya at agad ng naglakad papunta sa elevator para naman makababa na agad kami.
Habang naglalakad kami ay napapansin kong sumusulyap sulyap sa akin si Louis.
"Louis alam kong maganda ako pero paki-usap lang, wag mo ko tignan ng ganyan." Saad ko.
"May gusto lang kasi akong itanong sa 'yo eh." Saad niya at bahagyang napa kamot ng ulo niya.
"Ano yun?"
"Naniniwala ka ba sa love at first sight? Oh gusto mo bang dumaan uli ako?"
AY JUSKO.
"Huehue hindi mo na kelangan pang dumaan kasi love naman kita eh." Pagsasaad ko sa kanya at nag form ng heart shape sa kamay ko.
Nginitian niya na lang ako. Yung trademark niyang ngiti.
Sumakay na kaming dalawa sa elevator at agad ko namang pinindot yung ground floor.
Napatingin naman ako kay Louis at nakita kong naka lobo yung pisngi nita at mukhang di maipinta yung pagmumukha niya.
Natawa naman ako sa reaksyon niya. Malamang di siya sanay sumakay sa elevator.
Agad namang tumunog yung elevator, hudyat na andito na kami sa ground floor.
Bumukas naman agad yung pinto kaya naman dali-daling lumabas si Louis sa elevator na parang naduduwal.
"Hoy okay ka lang ba?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Namumutla kasi siya tapos mukha siyang tinakasan ng kaluluwa.
"Honey bunch wag na ulit tayong sasakay sa time capsule na yun ah. Sumasakit yung ulo ko eh." Pagsasaad niya habang namumutla pa rin.
Time capsule? Puta alien talaga eh.
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfic❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015