29: Awkward moments

340 47 80
                                    

Chapter 29: Awkward moments

Ria's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko habang naglilipat ng mga damit ko patungo doon sa maleta.

Naeexcite na ako jusko first time kong makaka attend ng tour.

Habang naglilipat ako ng mga damit ko ay bigla ko na lang naalala yung mukha ni Arjin kanina at yung mga mata niya.

Ewan ko ba pero kapag tumititig ako sa mata ng isang tao alam ko na agad yung emosyon nila sa loob-looban na hindi nila kayang ilabas.

Napa-iling na lang ako sa isip ko. Ginugulo nanaman ni Arjin yung utak ko tangina lungs.

Haays atsaka sana naman maging maayos yung tour namin bukas.

Sobrang excited na talaga ako dahil ang dami kong hinanda na mga hokage moves para kay Arjin.

Nang maiayos ko na lahat ng gamit ko ay agad ko ng tinabi ang maleta at isang back pack ko sa gilid. Huehuehue dora the explorer ang peg ko.

Nag shower muna ako bago matulog para naman magmukha akong fresh kahit papano.

Pagkatapos nun ay nagdasal muna ako atsaka natulog na din dahil maaga pa ako bukas.

---

"Ay puta." Hindi ko na naiwasan ang mapamura pag gising ko.

Tanginang yan, may tumatawag kasi sa cellphone ko tapos nakakarindi pa yung ringtone bwiset.

Agad naman akong napabangon sa kama ko at sinagot ang tawag,

"Hello?" Inis na pag sagot ko. Tanginang yan istorbo naman. Natutulog pa yung dyosa eh.

("Anong hello?! Jusko Ria! Kanina pa kami nasa labas ng bahay mo! Late na late na late na tayo!") Rinig kong inis na sambit ni badjao sa kabilang linya.

"Eh pota ka pala eh bakit--"

AY SHEYT OO NGA PALA!

NGAYON NA PALA YUNG TOUR NAMIN!

ASDFGHJKL

Hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko sana kay badjao at agad ko na lang din pinatay yung tawag niya.

Dali-dali naman akong kumuha ng damit mula sa drawer ko at agad ng pumasok sa banyo para maligo. Muntikan na nga akong madulas at mauntog sa bowl dahil sa sobrang pagmamadali ko. Owemji I am so rush hour.

Saglit lang akong naligo dahil sa 6:30 na ng umaga at katulad nga ng sinabi ni badjao ay super duper late na kami.

Agad ko namang kinuha yung maleta at backpack ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan dahil naririnig ko na yung busina sa van nila badjao sa labas ng bahay namin.

Sa sobrang pagmamadali ko ay bigla na lang dumiretso pababa yung maleta ko at nagpagulong gulong ito.

"Tangina!" Napasigaw na lang ako at hinabol pababa yung maleta kong nahulog sa hagdan.

Jusko maryosep na buhay 'to.

Nang tuluyan ng nahulog yung maleta ko sa sahig ay bigla na lang bumukas yung lock nito kaya naman biglang nahulog yung mga underwear ko mula sa loob ng maleta.

"Puta naman." Inis na sambit ko dahil sa nangyari.

Yung tipong nagmamadali na nga ako tapos ganito pa mangyayari? Aba matinde naman oh.

Agad kong pinulot isa-isa yung mga panty at bra ko na nagsiliparan sa paligid. Akmang kukunin ko na yung isang bra ko ay nagulat na lang ako ng may isang kamay ang kumuha dito.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon