50: Time machine

259 35 103
                                    

A/N: Shet di ko aakalain na aabot to ng chapter 50 :--( anyways happy reading mga betlog!

Chapter 50: Time machine

Ria's POV

"Ria anak ano mas gusto mo? Roses or tulips?"

"Kahit ano lang."

"White or red?"

"Ikaw na bahala."

"Both na lang kaya?"

"Sige."

Sa buong buhay ko ganito lang ako naging bored. Andito kami ngayon ni mama sa isang flower shop at hinahanda na ang lahat kelangan sa kasal.

Mas pina-aga nila yung kasal namin ni Louis dahil sa mga susunod na week daw ay mag o-out of the town daw sila kasama na yung parents ni Louis para asikasuhin yung business namin sa ibang bansa and doon muna sila mag s-stay for good kaya no choice din kami ni Louis kundi ang umoo na lang.

Nung nakaraan parang ganito lang din nangyari pero tungkol naman sa birthday ko tas ngayon sa kasal ko na. Buti nga di pa ako inaatake sa sobrang bilis ng mga pangyayari eh.

Kasama din namin ni mama sila Louis at Arjin pati na din si Mr. Ocampo.

Naramdaman kong hinawakan ni Louis yung kamay ko at bahagya itong pinisil kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Bored ka na ba?" Malumanay na tanong niya sa akin.

Naramdaman kong napatingin sa direksyon namin si Arjin kaya naman hinawakan ko na lang din pabalik yung kamay ni Louis.

"Medyo nahihilo pa ako." Saad ko na lang pero sa totoo lang ayoko lamg talaga yung mga nangyayari.

Nakita kong napatayo si Louis at lumapit kay mama, "Ah Ms. Kim pwede po bang lumabas muna kami ni Betreese? Nahihilo po kasi siya eh." Pagpapaalam naman ni Louis.

Hindi ko maiwasan ang mabigla at mahiya dahil sa ginawa niya. Napatingin tuloy lahat ng staff sa flower shop sa kanya at hindi ko naman maiwasan ang kabahan ng tumingin sa kanya si mama.

Nakita kong napangiti si mama. Halatang natutuwa siya kaya naman nawala lahat ng kaba ko.

"Sige lang. Ingat kayo ni Ria ah." Malumanay na saad ni mama at muling ngumiti.

Agad naman kaming lumabas ni Louis mula sa shop kaya naman napahinga na lang ako ng maluwag. Feeling ko nasusuffocate ako sa loob sa dami ng bulaklak.

"Honey bunch.."

Napatingin ako kay Louis nang tawagin niya ako. Nakayuko lang siya at pinaglalaruan yung mga daliri niya.

"Ahh alam ko namang ayaw mo talaga sa akin eh at alam kong hindi din talaga ako yung gusto mong pakasalan. Kaya kung gusto mo talaga i urong yung kasal baka makausapan ko pa si papa." Saad niya.

Napangiti na lang ako oara naman maitago ko ang pagkadismaya ko mula sa kanya. Kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ito.

"Ano ka ba Louis. Okay lang promise. Pumayag na ako eh kaya wala ng urungan 'to." Saad ko.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon