Chapter 27: Finals
Ria's POV
Napahinga na lang ako ng malalim habang hawak ko ng mahigpit yung magkabilaang kamay ko na nagpapasmado at nilalamig.
Ngayon na kasi yung skating finals ko at kinakabahan ako dahil ang daming tao sa may stadium at nagsisigawan sila.
At prinoproblema ko din yung sakit ng ulo ko. Di ko alam pero napapadalas na yung pagsakit ng ulo ko at kung minamalas nga ako, sumakto pa ngayong finals. Tanginang yan sana naman wag na lang muna 'to lumala ngayon para hindi mapwerwisyo yung performance namin ni PJ.
Kasalakuyan akong nasa back stage kasama yung tropang ambush na sobrang ingay.
"HOO GO RIA BABES!" Rinig kong sigaw ni Trystan habang winawagayway yung pompoms na dala-dala niya sa mukha ko.
"Tangina maghunos dili ka nga." Saad ko na lang sa kanya.
Kasi naman kabado ako sobra tapos dinagdagan niya pa.
"R-I-A! GO RIA!" Pagchecheer naman sa akin ni badjao at nag headbang siya habang suot niya ang isang kulay pula na wig.
Napa sapo na lang ako ng mukha ko dahil sa katarantaduhan na ginagawa nila. Jusko po.
"Bff, galingan mo kundi friendship over na tayo." Pananakot sa akin ni Cliff.
Tinawanan ko na lang siya dahil halata namang nagbibiro lang siya. Subukan niya lang i-FO ako makakaranas siya ng upper cut sa bayag.
"Syempre naman gagalingan ko." Saad ko at nginitian siya kaya agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako kaya naman niyakap ko na lang din siya pabalik.
"Si Cliff lang ba meron? Paano naman kami?" Saad ni Asher gamit yung malungkot niyang boses.
Napangiti na lang ako at humiwalay muna kay Cliff.
"Tangina lumapit nga kayo sa akin." Saad ko at ini-spread yung kamay ko sa kanila.
Kaya ayun agad silang tumakbo sa direksyon ko at niyakap nila akong lahat.
Tangina naghalo halo na tuloy yung mga amoy nila.
Niyakap ko na lang din sila pabalik kaya ayun mas lalo silang sumiksik sa akin.
At dahil sa hindi na ako makahinga at nasisikapan na din ako. Pakiramdam ko nga naghahawakan na sila ng ano eh dahil ang gagalaw nila eh.
"Pre, laki nyan ah." Pagpuri naman bigla ni Asher kay Dexter.
"Syempre alagang alaga eh." Pagmamalaki naman ni Dexter.
At dahil sa ang laswa na nga nila ay agad na akong bumitaw sa kanila. Tangina ng mga 'to. Naghahawakan nga.
Putangina ng tropang ambush ang lilibog talaga nila pero wala eh. Mahal ko yang mga ugok na yan eh.
"Honey bunch. Pa solo naman ako." Rinig kong saad ni Louis at nag pout pa sa harapan ko kaya naman niyakap ko na lang siya ng mahigpit at naramdaman ko naman na niyakap niya din ako pabalik at bahagya akong binuhat at inikot.
"Hokageng alien." Rinig kong komento ni Trystan kaya naman natawa na lang ako.
Humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Louis at bahagya kong sinapo yung noo niya. Buti na lang at magaling na siya ngayon.
"Ay iba siya oh, may pag haplos." Muntangang saad ni Asher.
Nagsitawanan naman yung tropang ambush.
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fiksi Penggemar❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015