48: Time to let go

226 39 109
                                    

Chapter 48: Time to let go




Ria's POV




"Okay na ba? Yung catering? Eh yung venue maayos na ba ang lahat?"




Napahalumbaba na lang ako sa gilid at tinitignan si mama na stress na stress kanina pa.




Inaayos niya na kasi lahat para sa birthday ko at tinitignan niya kung okay na ba ang lahat. Sa makalawa na kasi yung birthday ko kaya hassle na ang lahat. Ako lang ata yung papetiks petiks at walang pake sa mga nangyayari eh.




After all, di ko naman din talaga gusto 'to.




"Ma, kelan pa ba tayo uuwi?" Bagot na tanong ko ng mapansin kong palapit na si mama sa akin.




Agad naman niya ako nginitian at tinabihan. Napa-usog naman ako ng konti sa inuupuan ko.




"Pagod ka na ba?" Tanong niya sa akin. Agad naman akong umiling.




"Gutom lang ako ma." Pag aamin ko.




Pano pa naman kasi. Hindi na ako nakapag umagahan dahil sa pagmamadali namin ni mama. Gusto niya kasi makita ko yung venue kung saan ako mag bibirthday.




Malaki yung lugar. Halatang madaming dadalo. At oo nga pala, hindi lang birthday ko ang gaganapin. Ang engagement ni mana at ang announcement ng kasal ko. Kinakabahan nanaman tuloy ako. Pakiramdam ko masyado akong nadala ng emosyon ko at pumayag agad ako pero wala na nasabi ko na kaya paninindigan ko na lang.




Di pa maayos yung tulog ko kasi tinapos ko na din yung parte ko sa thesis namin ni Arjin. Simula nung gabing yun mas lalo kaming hindi nagpansinan. Pag gumagawa kami ng thesis magkahiwalay kami at tahimik lang. Hindi na din ako nagtatanong sa kanya. As in hindi talaga kami nag uusap. Mas mabuti na din yun para sa aming dalawa.




Mahirap lalo na kasi pumupunta punta si Irene sa bahay nila Arjin. Di ko nga alam na buhay pa pala yung higad na yun eh. At ang malala minsan kapag nag uusap sila para namang wala ako sa harapan nila like what the hell para lang akong pinagseselos ni Irene eh. At nakakainis lang dahil napaka effective.




Atsaka higit sa lahat napaka sakit ng paa ko. Malamang naglakad lang ako ng naka paa mula sa bahay nila Arjin dahil nabutas yung foot socks ko. Medyo nagsisisi ako na sinauli ko pa yung converse pero okay lang. Atleast nabawasan na yung alaala ko sa kanya.




"Oh sige kumain ka muna. Balik ka na lang ulit dito ha? Alam mo naman kung saan yung fast food chain diba?" Tanong pa sa akin ni mama at tumango lang bilang tugon.




Nagpaalam na agad ako kay mama at umalis na. Kanina pa ako actually nangangatog sa lamig ng buong venue at nabobored dahil walang kumaka-usap sa akin sa loob.




Lumabas na ako ng venue at napahinga na lang ako sa sariwang simoy ng hangin hanggang sa may nakita akong itim na pusa sa gilid. Naalala ko tuloy si Arjin noong nalasing siya. Nung may niyakap siyang pusa at tinatawag niyang kumamon.




Napahawak ako sa kwintas na nasa leeg ko at hindi ko na lang maiwasan ang mapangiti ng mapait. Kaya pala naalala ko nanaman siya kasi nasa akin pa 'tong kwintas na 'to.




Napa iling na lang ako at pumunta na sa fast food chain para kumain. Buti na lang at walang masyadong tao at malaki yung lugar. Makakapag-isip ako ng maayos neto.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon