Chapter 41: Symptoms
Ria's POV
"Guys! Tara na!" Rinig kong sigaw ni Joshua habang pinapa pasok niya na kaming lahat sa van.
Mas naunang pumasok si Arjin kesa sa akin kaya naman tahimik na lang akong sumunod sa kanya.
"May problema ba?" Rinig kong tanong sa akin ni Joshua bago ako maka pasok sa van.
Nginitian ko na lang siya at umiling.
Wala naman kaming problema. Sabi niya pagod lang daw siya. Hays, napagod ko ata talaga siya kanina.
Pumasok na ako sa loob ng van at kita ko na nagkakagulo na sila doon. Jusko eto nanaman sila.
"Zane, colgate ka ba? Hindi ka kasi maganda kapag Close-up." Rinig kong pangbabara ni Trystan kay Zane.
Naks may LQ ata yung dalawa.
"Ilaw ka ba? Ang sarap mo kasing patayin bago matulog eh." Tugon naman ni Zane at inirapan si Trystan.
Jusko ano bang nangyari sa dalawang 'to eh bago kami umalis ang sweet pa nila? Parang sa amin ni Arjin.
Napatingin ako kay Arjin na nasa tabi ko at tahimik lang siya. Naka earphones siya tas hindi kumikibo.
Ayan nanaman siya, balik nanaman siya sa pagiging senyorita sentebanyes niya.
Napa buntong hininga na lang ako at tumingin sa may labas ng bintana ng van ng magsimula ng umandar ang van.
Ayoko namang guluhin si Arjin dahil baka mas lalong ma badtrip. Hirap pa naman kapag nabadtrip yang gilagid na yan.
Nakita ko na pinindot ni Joshua yung radyo na nasa unahan, siya kasi yung naka upo sa passenger seat.
Umayos naman na ako ng upo ng magsimula ng tumugtog yung kanta.
Now playing: Moonstar88- Migraine
"Oo nga pala, hindi nga pala tayo." Biglang kanta nila Asher sa likuran habang sinasabayan yung kanta.
"Hanggang dito lang ako. Nangangarap na mapasa 'yo. Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko. Asan nga ba ako? Andyan pa ba sa iyo?"
Okay lang naman ako. Hindi talaga sumasabay yung kanta sa nararamdaman ko ngayon. Tangina ang sarap naman isupalpal sa nangyayari sa amin ni Arjin yung lyrics. Tangina tamang tama nanaman ako.
"Nahihilo.. Nalilito.. Asan ba ako sa 'yo? Aasa ba ako sa 'yo?"
"Guys, baguhin na lang natin yung kanta." Biglang saad ko kaya napatigil sila sa pagkanta.
Eh sa naawkward na talaga ako eh.
"Ay KJ." Bulong ni Zane sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin.
Tangina ang awkward kaya. Naalala ko lang yung sa aming dalawa ni Arjin eh.
Nakita ko naman na agad na ninext ni kuya Joshua yung kanta at nakita ko naman na mas lalong na excite sila sa likuran dahil sa sumunod na kanta at napa-iling na lang ako at napa ngiti.
Now playing: Moonstar88- Torete
"Sandali na lang, Maari bang pagbigyan. Aalis na nga, maari bang hawakan ang iyong mga kamay,
Sana ay maabot ng langit ang iying nga ngiti. Sana ay masilip.
Wag kang mag-alala, di ko ipipilit sa 'yo. Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo.
![](https://img.wattpad.com/cover/31934421-288-k140143.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfiction❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015