Chapter 36: Unexpected
Ria's POV
"Tara na Arjin, bumalik na tayo sa loob." Pag-aaya ko kay Arjin habang hinihila hila ko yung kamay niya.
Kanina pa sila nagtitigan ni Jim at tangina naiihi na ako sa pwesto ko dahil sa sobrang kaba at bilis ng tibok ng puso ko pero hindi pa rin sila nagpapatinag.
Ganun pa din yung pwesto ni Arjin, tinitigan niya lang si Jim at ganun na din si Jim sa kanya.
Pero omayghad bakit kasi andito si Jim?
Yung ang peaceful na ng buhay ko tapos tangina bigla na lang siya susulpot? Aba matinde naman oh.
"Abno, gutom na ako." Pagsasaad ko na lang kay Arjin dahil sa naiilang na talaga ako sa tinginang malagkit nilang dalawa.
Nakita kong napa buntong hininga naman si Arjin dahil sa sinabi ko, "Let's go." Saad niya at hinawakan na lang niya yung pulsuhan ko at hinila pabalik sa hotel.
Kaso naramdaman ko na lang na may humawak sa isa pang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Arjin, kakausapin ko lang muna si Victoria." Biglang saad ni Jim gamit yung malalim niyang boses.
Nakita ko na napayukom yung isang kamao ni Arjin dahil doon.
Nataranta naman ako doon kaya agad ko na lang winakli yung kamay ko na hawak ni Jim.
"Sorry kuya, baka napagkamalan mo lang ako hehe. Una na kami ng boyfriend ko kasi baka nagseselos na siya sa 'yo nako iba pa naman kung magselos yung asawa ko. Nangsusunog ng bahay huehue." Pagsisinungaling ko kay Jim.
Di ko na alam kung anong mga salita yung pinagsasabi ko dahil nangingibabaw na talaga yung nerbyos at kaba ko ngayon. Atsaka tangina nakaka tense kaya.
"Boyfriend? Asawa?" Naguguluhang tanong ni Jim sa akin na halatang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
Nataranta naman ako doon dahil sa sinabi niya.
OMAYGHAD OMAYGAHD ANONG GAGAWIN KO?
Nagpapanic na ako sa loob-looban ko at pinagpapawisan na din ako ng malamig dahil sa nangyayari.
Jusko di pa naman ako fanun kagaling sa mga gantong bagay.
Naramdaman ko na lang na inakbayan ako ni Arjin at inintertwine niya yung mga daliri namin na siya namang ikinagulat ko.
Ay pasimpleng hokage si gilagid.
"She's my wife so back off." Malamig na saad ni Arjin habang tinitignan ng masama si Jim.
Aysus akala ko kung ano na--
Wait..
OMAYGHAD WIFE DAW. SO IBIG SABIHIN
AHSHJSKAKWKAKDB.
Muntik ko ng languyin yung maalon na dagat dahil sa sinabi ni Arjin at muntikan na din akong layasan ng kaluluwa ko dahil doon.
Namumula nanaman ako ngayon at nag-iinit yung mukha ko kaya naman hindi ko maikalma yung sarili at yung keps ko dahil sa kilig.
Oh shit, oh man holy shit. Wife daw oh ahihihi.
Agad ko namang tinaas yung noo ko na para bang proud na proud. Syempre minsan lang 'tong moment na 'to kaya susulitin ko na huehue.
"Mauna na kami ng asawa ko sa loob." Pagsasaad ko kay Jim habang naka ngiti ng malaki.
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfiction❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015