25: Indirect

298 44 46
                                    

Chapter 25: Indirect

Ria's POV

Napahawak na lang ako sa nag papasmadong mga kamay ko dahil sa kaba.

Okay goodbye world, malamang rakrakan nanaman kami ng nanay ko neto.

"Victoria! Napag-usapan na natin 'to diba?!" Beastmode na tanong sa akin ni mama ng makapasok na kaming dalawa sa loob ng bahay.

"Okay lang naman kung hindi niyo ako papanoorin wag niyo lang ako sigawan please lang." Saad ko na lamang dahil hanggat maari ay ayoko din talaga makipag-away kay mama.

Nakita ko naman na napahilamos ng mukha yung mama ko dahil sa stress at inis.

"Victoria! It's for your sake okay?! Sinabihan na kita na tigilan mo na yang skating na yan dahil wala kang mapapala diyan!" Rinig kong malakas na sigaw ni mama sa akin.

Napa buntong hininga na lang ako at agad na tinignan si mama.

"Alam mo ma, ikaw lang lagi yung gumagawa ng paraan para mag-away tayo eh. Ang kailangan ko lang naman ay konting support pero kung ayaw mo? Edi okay! Wala namang kaso sa akin yun eh."

Hindi ko na naiwasan pa ang mapataasan ng boses si mama dahil sa inis ko.

Hindi naman nakapagsalita si mama kaya naman nagsimula na akong umakyat papunta sa taas.

"Saan ba ako nagkamali sa pagpapalaki sa 'yo Victoria?" Rinig kong saad ni mama na nagpatigil sa akin.

Napa yukom na lang ako ng kamao ko ng marinig ko yung basag na boses ni mama.

"Wala. Hindi ka nagkamali sa pagpapalaki sa akin. Hindi mo lang talaga ako napagtuonan ng pansin." Tugon ko.

Hindi nakapagsalita si mama at alam kong nagulat siya sa sinabi ko. Maski din ako nagulat.

"Una na ako sa taas." Saad ko na lang at agad na akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Pagka akyat ko as usual, ni lock ko nanaman yung sarili ko sa loob ng kwarto ko at niyakap yung napakalaki kong teddy bear.

Naramdaman ko na lang yung pagtutubig ng mga mata ko kaya naman mas lalo kong niyakap si Tonton, pangalan ng teddy bear na bigay ni Cliff.

"Tanginang buhay 'to." Yan na lang ang nasabi ko dahil sa sobrang inis at galit ko na bigla na lang naghalo sa buong sistema ko.

Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay sa tuwing nagagalit at naiinis ako dahil wala akong magawa kundi ang maluha na lang kapag sumosobra sa limitasyon yung emosyon ko.

---

Umagang umaga ay bangag nanaman ang buong kaluluwa ko. Magang maga yung mga mata ko na mistulang kinagat ng ipis kaya naman naka shades ako ngayon kahit nasa loob lang ako ng classroom.

"Oh Ria, ang taas ng araw ah?" Pangsasarcastic sa akin ni Asher.

Inirapan ko na lang siya kahit sa hindi niya nakikita yung mga mata ko.

"Alam mo yang pagmumukha mo ay parang sinag ng araw. Di ko kayang tignan." Pangbabara ko na lang sa kanya.

"Burn. Burn. Burn." Saad ni badjao habang nag faface dance.

Napatingin na lang ako sa ibang direksyon dahil sa sawang sawa na talaga ako sa pagmumukha nila yung tipong bilang na bilang ko na ata lahat wrinkles nila sa tuwing tumatawa sila.

"Oh bakit ang sama mo makatingin?" Nabigla na lang ako sa tinanong sa akin ni Zane.

Tangina napaka feeler talaga nitong galunggong na 'to. Asa naman siya na porket nakatingin ako sa direksyon niya ngayon eh sa kanya na ako nakatingin.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon