19.1: You're like a

341 47 69
                                    

Chapter 19.1: You're like a

Ria's POV

Kasalakuyan akong nakatingin sa salamin na nasa harapan ko.

Tangina grabe, isang dyosa ang nasisilayan ko.

Charot lang puta mukha akong bangag na laspag dahil sa kapal ng eyebags ko dahil sa hindi nanaman ako nakatulog ng maayos kagabi.

Napakamot na lang ako ng ulo sa inis. Jusme konting oras na lang yung date na matagal ko ng inaasam at hinihintay ay mangyayari na. Yun nga lang, sino sa kanila yung tutupad nun?

Hahaha pota :( napaka ganda ko kasi yan tuloy nauso yung ganda problems :<

Napa buntong hininga na lang ako at kinuha ang cellphone ko.

Tinitigan ko lang ng matagal yung cellphone ko.

Jusme sino ba kasi yung dapat kong puntahan?

"AY PUTANGINA!" Napa sigaw na lang ako sa gulat dahil biglang nag vibrate at tumunog yung cellphone na hawak-hawak ko.

Agad ko itong tinignan at nakita kong tumatawag pala sa akin si Chescka.

"Hello? Bakit ka napatawag?" Pag sasagot ko doon sa tawag niya.

("Ria, sure ka ba na ako na talaga yung pupunta sa date niyo dapat ni Cliffton?") Aligagang tanong niya.

"Oo naman! Bakit?" Tanong.

("Wala, kinakabahan kasi ako. Kagabi pa ako hindi mapakali eh.")

Wow naman, parehas pala kami.

"Kalma lang okay? Atsaka wag ka ngang kabahan at lalong-lalo na wag na wag ka ng mag back-out. Minsan lang 'to mangyayari so go lang ng go. Wag mo na sayangin yung pagkakataon." Pagpapagaan ko ng loob niya.

("Kasi naman Ria.. Baka naman ma dissapoint siya mamaya kapag nalaman niyang ako yung sumipot at hindi ikaw...") Kinakabahang saad niya.

Napabuntong hininga naman ako,

"Chescka, hindi yun ma didissapoint basta hinay hinay ka lang kay Cliffton dahil baka masapak ka nun. Sige na babay na at magpaganda ka na diyan at may inaasikaso pa ako dito." Pagsasaad ko.

("Haays, sige thank you Ria at wag mong kalimutan yung mga sinabi ko ah? Wag magpaka martyr. Bye!") Tugon niya at agad na pinatay yung tawag.

Napa buntong hininga naman ako at napahilamos na lang ng mukha ko.

Nakakainis naman kasi eh! Sabi ko na nga ba makakasama lang sa akin kapag masyado akong na-attached sa kanila dahil panigurado kapag sa ganitong usapan. Mahihirapan ako mag desisyon.

Tapos idagdag mo pa yung pesteng feelings ko. Hindi ko alam kung bakit ako pinanganak ng nanay ko ng ubod ng tanga sa pag-ibig.

Honey bunch o forever?

"Argh! Ang hirap pumili!" Napa sigaw na lang ako sa sobrang inis ko at muling sumalampak sa kama ko at nagpagulong gulong doon.

Ilang oras pa ang lumipas at wala akong ginawa kundi ang isipin yung dalawang ugok.

Nagbato-bato pick na ako sa harapan ng salamin, nag eenie-miniemo na ako, nag cross words na din ako pero wala pa rin.

Halos bilangin ko na din yung damo namin sa labas ng bahay dahil sa pag-iisip ko.

Naiiyak na ako na natatae. Peste naman di ko naman alam na ganito pala kahirap pumili sa kanilang dalawa kung sino yung pupuntahan ko.

Wala na akong ibang ginawa kay Louis kundi ang saktan siya kaya gusto kong bumawi sa kanya.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon