Chapter 58.1: First Love
Arjin's POV
(Flashbacks)
5 years ago..
"Arjin! Wag mo akong tinatalikuran! Tatay mo pa rin ako!" Hindi ko na siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng bahay namin.
I'm damn tired of this life. Kung sana buhay pa si mommy hindi mangyayari 'to.
Ilang beses ko pang narinig yung boses ni papa na tinatawag ako pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kabilang street ng subdivision namin.
Hindi ko alam kung saan na ako nakarating pero umupo na lang ako sa damuhan na nakita ko at binato palayo yung isang bato na nakita ko.
Lagi na lang tingin sa akin ni papa ay isang malaking disappointment pero bat di niya magets na ayokong mag handle ng company? I want to be a composer. That's what I want. Sana naman suportahan niya man lang ako.
Napatingin ako sa kamay ko at nakita ko yung kwintas na bigay sa akin ni mama noon. Kwintas na may butterfly na pendant. Eto na lang ang tanging alaala na naiwan niya sa akin. Sabi niya kapag nakilala ko na ang babaeng mamahalin ko habang buhay ay ibibigay ko ito sa kanya.
"Victoria! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na tigilan mo na ang pagiging disappointment sa buhay ko?!" Napatingin ako sa bahay na nasa harapan ko ng may narinig akong mga sigawan.
At nabigla na lang ako ng may lumabas na isang babaeng nakasalamin mula doon sa bahay na yun kaya naman agad akong napatakip ng hoodie ko.
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfic❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015