60: Forever

187 23 119
                                    

Chapter 60: Forever

Arjin's POV

Lahat kami ay nasa kwarto na ni Victoria. Andito sila mama at papa. Andito din sila Zane na kasama ang ambush.

Kitang kita ko sa mga mata nila na nag tutubig dahil sa sobrang saya. Lahat sila nakangiti habang pinagmamasdan si Victoria.

Sa sobrang siksikan namin sa kwarto ay andito na ako sa pinakadulo at halos di ko na makita si Victoria dahil ang kulit kulit pa ni Trystan at Asher.

Naka upo na si Victoria sa kama niya. Kakatapos lang siyang i-check ng doctor at pinayagan naman agad kami na kausapin siya.

Tahimik lang siya at nililibot niya ang paningin niya sa amin. Her eyes that once so magnetic, now just look empty.

"S-Sino kayo?"

Lahat ng ngiti sa mga labi namin ay agad na nawala dahil sa sinabi ni Victoria. Halos nakalimutan na namin yun dahil sa saya na naramdaman namin.

Nakita ko na napatakip na lang ng bibig si mama at napahagulgol na ng iyak. Zane and Chescka bursted out into tears too.

Nilabas muna ni papa si mama kaya naiwan kami sa kwarto. Napayukom na lang ako ng kamao at huminga ng malalim dahil pakiramdam ko babagsak na din ang mga luha ko.

Victoria is still clueless at halatang naguguluhan talaga siya. She doesn't remember anything but why I'm still hoping? 

When she look at me, it's like the world stops, just for a split second my heart stops. I look into her deep and confuse eyes. I look away making sure she won't notice how much she mean to me.

Di ko na nakayanan pa kaya lumabas na lang din ako ng kwarto niya at napaupo sa bench sa tabi.

Napahilamos ako ng buhok ko at naramdaman kong lumabas din si Irene.

"Hey," Napatingin ako sa kanya at bakas sa boses niya ang lungkot.

Hinayaan ko naman siya na umupo sa tabi ko at naramdaman kong hinawakan
niya yung kamay ko na naka yukom.

"You know, It was never wrong to fight for your love. Nagiging masama lang kapag nagsisisi ka na di mo siyang ipaglaban." Pagsasaad niya pa.

"Irene it's not worth it anymore. Wala na siyang naalala. I should feel relieve pero ng tignan niya ako at nagtama ang paningin namin, I can't help but to hope na tawagin niya ako." Giit ko na lamang.

Napatingin ako sa may pintuan nang bigla itong bumukas at nakita ko si Cliffton. Binigyan na lang niya ako ng isang ngiti. Ngiting malungkot.

"Oh Cliff, bat ka lumabas? May nangyari ba kay Ria?" Tanong ni Irene sa kanya pero umiling lang agad si Cliff.

"Wala naman, nalulungkot lang ako kasi di na ako maalala ng bespren ko. Bibili na lang ako ng ramen para makakain siya. Malamang gutom na gutom yun dahil natulog siya ng walong buwan."

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon