46: Decision

270 48 232
                                    

Chapter 46: Decision

Ria's POV

"Ria anong gusto mo? Tubig? Okay ka lang ba? Nilalamig ka ba? May gusto ka bang kainin?" Sunod sunod na tanong ni Cliff sa akin.

Napangiti na lang ako at umiling sa kanya.

"Okay lang. Medyo nilalamig lang pero keribells lang. Mas malamig naman yung pakikitungo niya sa akin eh."

Dahil sa sinabi ko ay napasimangot silang lahat kaya tinawanan ko lang sila.

"HAHAHA Joke lang yun kayo naman. Wag niyo nga akong tignan ng ganyan. Hindi ako baliw." Saad ko.

Napabuntong hininga naman si kuya Joshua dahil sa sinabi ko, "Mukhang malapit ka ng mabaliw sa pinaggagawa mo."

Napangiti na lang ako sa kanila dahil sa wala na din akong masabi. Perhaps wala na din akong gana na makipag-usap kasi masakit na talaga yung lalamunan ko.

"Pwede ba wag ka ng ngumiti. Ang creepy mo." Saad sa akin ni Cassie at napangiwi.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Umiyak?" Tanong ko.

"Oo. Mas okay pang umiyak ka kesa sa ganito. Okay appreciated ko na hindi ka humahagulgol pero honestly, mas okay na ilabas mo na lang yung sama ng loob mo kesa naman sa ngiti ka ng ngiti pero nasasaktan ka naman." Saad pa ni Cassie.

Napa iling na lang ako, "Okay na ako. Promise. 169% okay ako." Panigurado ko pa.

"Pake nga nawawala, feelings pa kaya." Dagdag ko at mas lalong mukha silang nag-alala.

"Masakit oo. Pero katulad nga ng sinabi ko noon, prone na ko sa sakit kaya malalgpasan ko din 'to. Pero sa totoo lang gusto ko pa rin siyang maka usap."

Nakita kong nakatitig lang sila sa akin at kitang kita ko sa mga mata nila na sobra silang nag nasasaktan sa sitwasyon ko. Nakakatuwa kasi kahit madalas lagi lang kami nag gagaguhan ay andyan lang sila lagi sa tabi ko kaya naman laking pasasalamat ko na nakilala ko sila.

"Guys, pahangin lang ako. Punta muna ako ng terrace saglit. Leggo!" Masiglang saad ko at agad na akong tumalikod sa kanila para pumunta sa terrace. Nahihiya na din ako sa kanila at ayokong mag break down sa harapan nila.

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon