Chapter 28: Looking into his eyes.
Ria's POV
"Hoy Asher penge naman ako ng Cheese curl na kinakain mo please." Rinig kong saad ni Trystan habang nilalahad yung kamay niya patungo kay Asher na nasa gilid lang at taimtim na kumakain ng chichirya.
Andito kami ngayon sa bahay ko at nag-uusap usap para doon sa tour. Nagplaplano kumbaga.
Ilang araw na din ang lumipas simula nung skating at hindi man kami nanalo ni PJ, masaya pa rin ako dahil atelast ginawa ko naman ang best ko.
Atsaka napapansin ko lang na sobrang weird na ng pagkilos ng ambush simula nung araw na yun.
Oo alam kong natural na weird sila pero mas lalo lang lumala ngayon.
Yung tipong nahulog ko lang yung cellphone ko bigla na lang sila lalapit lahat na may dalang gamot at baso ng tubig.
"Cheese curl? Wait may knock knock ako!" Sigaw naman ni Dexter at humagalpak ng tawa.
Si Dexter yung tipo na tumatawa muna bago mag joke. Wala eh inborn na sira-ulo.
"Cheese curl who?" Tanong naman ni Joshua.
Silang dalawa lang naman nag susuportahan pagdating sa mga ganyan eh. Nako OTP ko na nga yang dalawang yan eh.
"CHEEESE CURL IS ON FIYAAAH~" Pagkakanta ni badjao gamit yung sintunado niyang boses.
Hindi na lang ako nag react jusko naman sanay na ako sa mga kakornihan nila.
Nakaupo ako ngayon sa sofa at nag lalaptop. Naghahanap ako ng info about doon sa pupuntahan namin. Kelangan kasi namin gumawa ng group report tungkol doon.
Group project 'to at halata namang kagrupo ko 'tong mga kumag na 'to pero puta ako lang talaga yung nagawa eh dahil sila nanonood lang at ginugulo lang yung bahay ko jusko.
"Honey bunch.." Rinig kong saad ni Louis na katabi ko lang ngayon sa sofa.
Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako patagilid at siniksik pa ako sa gilid.
"Jusko Louis lubayan mo muna ako please lang." Saad ko na lang.
Ewan ko ba pero these past few days ang clingy na ni Louis sa akin yung tipong mag babanyo lang ako saglit hihintayin niya pa ako sa may pintuan. As if naman na ma flu-flush ako sa bowl eh.
"Honey bunch.. Ibalik mo na yung kulay ng buhok mo sa dati." Pangungulit niya pa sa akin.
Ayan ayan nanaman siya. Pinopoint out nanaman niya yung tungkol sa buhok ko.
"Louis kung gusto mo magpakulay ng buhok wag mo na akong idamay." Saad ko na lang at muling nag search sa internet.
Pero bigla na lang nagsalita ang mga ambush,
"Oo nga Ria, mas bagay talaga sa 'yo yung kulay itim." Pang sasang-ayon naman ni Trystan.
"Kamukha mo si Marlou kapag pula buhok mo." Biglang saad ni Asher habang may laman na chichirya yung bunganga niya kaya naman natalsik sa akin yung iba. Puta kadiri eh.
"Pwede ba? Di ko kelangan ng opinyon niyo." Masungit na saad ko.
Tangina ng mga 'to. Kulayan ko bulbol nila makita nila.
"Ria, wag mo na tapusin yan! Ako na magtatapos." Biglang sabat ni Dexter at lumapit pa sa pwesto ko.
"Wow ha? Isasave ko na lang tapos ikaw pa magtatapos? Punyeta dapat kanina mo pa ako sinabihan." Medyo naiinis na saad ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/31934421-288-k140143.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfic❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015