Chapter 45: She's back
Zane's POV
"Oh ano ng plano?"
Tanong ko sa kanilang lahat.
Andito kami sa bahay ko. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng pwedeng lugar sa bahay ko pa.
Kasalukuyan kaming gumagawa ng oplan ipagbalikan si Ria at Arjin. Corny diba? Sisihin niyo si Cliffton dahil siya naman may pakana neto.
Magpapahinga lang sana ako ngayong araw kaso bigla na lang nilang pinasok yung bahay ko. Palibhasa ang hilig kasi pumasok ng mga 'to kung saan-saan eh.
"Tutal kakatext lang sa akin ni Ria na may bonding sila ng mama niya ngayong araw at saktong may bonding din yung pamilya nila Jim sa restaurant kung asan andun si Ria. Susundan ni Jim si Ria, basta ikaw na gumawa ng paraan para makapunta si Ria sa may garden ng restaurant at ikaw Zane, i text mo si Arjin na pumunta din doon. I blackmail mo kung kelangan, basta wag mo sabihin na andun si Ria dahil malamang sa malamang di yun pupunta. At pag andun na sila parehas sa garden, hayaan na natin sila mag-usap." Mahabang saad ni Cliffton.
Napalakpak na lang kami sa mangha dahil sa sinabi ni Cliffton.
Wow naman, himala at gumana utak ng lalaking 'to. Akala ko puro lang 'to iron man.
"Naks naman parekoy! Hindi naman halatang martyr ka no?" Pagbibiro ni Jim at nakita ko na inakbayan niya si Cliffton pero sinamaan lang siya ng tingin neto kaya naman agad napabitaw sa kanya si Jim.
"Basta guys, gawin natin ang lahat mamaya para kela Ria at Arjin. Sana naman gumana yung plano natin." Saad ni Cliffton.
Parehas talaga silang mag bestfriend. Parehas silang martyr.
Napatango na lang kami at napa upo na lang ako sa sofa namin at hindi ko na naiwasan pa ang mapasinghal.
Naramdaman ko naman na umupo sa tabi ko si Chescka,
"Tubig oh." Saad ni Joshua at inabutan ako ng isang basong tubig at agad ko naman itong kinuha. Binigyan niya din yung iba ng tubig.
"Pano naman yung ibang ambush?" Rinig kong tanong ni Cassie kay Cliffton.
"Syempre naman tutulong din kami."
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at laking gulat ko ng makita ko si Trystan kasama si Asher at Dexter.
"Babes!" Sigaw ni Weine at dali-dali naman siyang lumapit kay Dexter.
Napa irap na lang ako. Nakaka uta talaga 'tong dalawang 'to. Masyadong malandi sarap ipatapon sa libingan ni Magellan.
Nakita kong nilapitan naman ni Asher si Cassie pero inirapan niya lang ito. Mukhang mag-aaway pa 'tong dalawang 'to jusko.
"Oh ano ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko kay Trystan pero nginitian niya lang ako.
"Tutulong."
"Pwes no thanks na lang. Baka pumalpak lang plano namin." Saad ko at inirapan siya.
"Bakit ang sungit niyo sa amin? Grabe kayo." Nakasimangot na saad ni Asher.
"May pa walk out walk out pa kasi kayong nalalaman. Kung hindi sana kayo nag walk out edi sana mas napadali lang 'to. Mas dinagdagan niyo pa tuloy yung problema ni Ria." Saad ni Chescka.
Napatango na lang kami ng sabay ni Cassie sa sinabi ni Chescka. Pwes akala nila mas pipiliin namin sila, sorry sila pero kay Ria kami panig.
"Kaya nga gusto namin makatulong eh. Alam naman namin na mali kami at gusto din naming makabawi at mag sorry kay Ria." Saad naman ni Dexter at napatango naman si Weine na nakasabit sa braso niya.
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fiksi Penggemar❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015