Note: COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED 😊
Chapter 49.1: Hwa yang yeon hwa
Ria's POV
Inhale.. Exhale..
Wala akong ibang ginawa kundi ang huminga lang ng malalim at mapa buntong hininga. Kanina pa ako dito at wala akong ginawa kundi ayun.
PUTA SHET HOO BIRTHDAY KO NA PERO KINGINA HINDI MAPALAGAY YUNG TIBOK NG MATRES KO.
Shet naman. Sa lahat ng birthday na dumaan sa buhay ko, etong birthday ko lang na 'to yung kinakabahan ako ng sobra.
Napatitig ako sa salamin at isang dyosa ang aking nasilayan pero kahit anong gawin kong pangpakalma sa sarili ko ay di ko talaga magawa.
Yung kamay kong kanina pa naginginig sa kaba. Sa buong tala ng buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganto. Ewan ko ba feeling ko may mangyayaring di maganda o sadyang feeling ko lang yun. Feelingera pa naman ako.
"Victoria anak,"
Napalingon na lang ako sa pintuan ng kwarto ko. Nakita ko si mama na naka ngiti ng malaki at naka suot na siya ng mahabang puting gown. Parehas kaming naka puting gown. Like mother like daughter daw kasi.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Nakita kong medyo nababahala siya sa akin kaya naman nginitian ko na lang si mama para mapanatag yung loob niya.
"Bakit ma? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya.
Nakita kong biglang naluha si mama kaya naman nataranta ako. These past few days pa naman ay nagiging emosyonal na si mama.
"Ma? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko habang hinahagod yung likod niya.
Naramdaman kong tinignan ako ni mama ng makahulugan at hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. Naninibago ako sa kinikilos niya pero hinawakan ko na lang din yung kamay niya pabalik.
"I know how much you wanted a complete and happy family pero di kita napagbigyan noon kaya ngayon babawi ako sa 'yo anak." Saad niya pa sa akin habang naluluha.
Napangiti na lang ako ng maliit, "Okay lang ma, alam ko naman na di ka naging masaya kay papa noon pero panigurado ako na sa magiging papa ko ngayon ay magiging masaya ka na. Don't worry ma, hindi ako magiging pasaway sa inyo promise." Saad ko sa kanya.
Naramdaman kong niyakap niya ako kaya naman niyakap ko na lang si mama pabalik habang may malaking ngiti sa labi ko. Sana nga lang maging masaya na kami ngayon lalong lalo na si mama.
"Salamat anak." Rinig kong bulong ni mama habang hinihagod yung buhok ko.
Napapikit na lang ako at napatango, "Gusto ko ma, pogi at mabait yung magiging papa ko ha?" Pagbibiro ko pa kaya naman napatawa na lang si mama at napahiwalay na lang din ng yakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfiction❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015