Chapter 4: Shit happens
Ria's POV
Napa kibit balikat na lang ako ng makita ko kung paano nag walk out si Arjin. Siguro naiirita nanaman yun sa pagmumukha ko kaya ganun na lang yun kaso masyado namang bastusan yung ginawa niya.
"Honey bunch?" Pagtawag naman sa akin ni Louis at hindi ko naman maiwasan ang mapa ngiwi.
Putangina.
Bakit ba honey bunch? Dapat honey punch na lang para bubugbugin ko na tong alien na 'to ng matuluyan na.
Hindi na lang ako nag react at kusang bumaba na lang ako sa van. Wala na tuloy yung moment, sinira kasi ni Arjin my forever ko eh.
"Ria na lang okay? Ayoko ng honey bunch." Mataray na pagsasaad ko sa kanya.
"Mas gusto ko ng honey bunch. Sige na Ria. Tawagin mo din akong honey bunch." Pangungulit sa akin ni Louis at nakita kong naiiyak na siya.
"Oo na. Wag ka ng umiyak diyan. Pakyu ka sagad." Naiinis na saad ko sa kanya at bahagyang umirap.
Hindi siya kumibo kaya tinignan ko uli siya at nakita kong hindi pa rin siya tumatahan.
Napa buntong hininga na lang ako, "Honey bunch. Wag ka ng umiyak tangina mo naman sagad eh." Saad ko sa kanya na medyo naluluha na din. Ang ayaw ko pa naman sa lahat yung may napapa iyak ako. Ang sakit kaya sa heart. Baka magsumbong pa 'to sa pamilya niya at kuhanin ako at ipadala sa planeta nila.
Nakita ko naman na pinunasan niya yung luha niya at nagtatalon doon na parang budoy.
"Waah! Salamat talaga kay Trystan at gumana yung acting ko! Hehehe labyu honey bunch ko." Nakakagagong saad niya at akmang yayakapin ako pero inunahan ko na siya ng suntok sa mukha kaya napa atras siya ng bahagya.
"Tangina mo! Wag na wag ka ng magpapakita sa akin! Pakyu ka sagad!" Sigaw ko at pinakyu muna siya bago umalis.
Peste. Bat ba napaniwala niya ako doon? Mabaog sana siya. Tanginang alien.
- - - - -
Andito na ako sa classroom pero etong si Louis ay patuloy pa rin akong kinukulit. Ihahampas ko na nga sana sa pagmumukha niya yung teacher's table pero buti na lang at pinigilan ako ni Cliff.
"Honey bunch, sorry na. Alam mo naman na ayaw ko na nagkaka LQ tayo eh." Muntanga niyang saad kaya inirapan ko na lang siya.
LQ niya mukha niya.
Kaya ayaw ko makipag kaibigan sa mga tropa ni Arjin dahil alam kong mga abnormal ang mga yun at kung minamalasmalasan nakilala ako nitong budoy na to at hindi na ako nilubayan.
"Isang honey bunch mo pa at tatapyasan kita ng gilagid. Lubayan mo nga ako peste." Pagtataboy ko sa kanya at tinakip sa mukha ko yung libro na nakuha ko lang sa bag ko.
Mula sa pheriperal vision ko ay nakita kong napabusangot siya.
"Ang daya naman pero kagabi hinalikan ka nung lalaki sa noo tas nagyakapan pa kayo pero yung simpleng honey bunch lang ayaw mo?" Pagmamaktol niya at umupo sa upuan niya na nasa kanan ko lang.
Hala sige magtampo ka lang diyan tangina mo talaga. Hindi kita susuyuin bahala ka sa buhay mo.
Pero whatdapak?
Paano niya nalaman yung sa amin ni kuya Joshua?
"Pano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya at this time, binaba ko yung librong hawak hawak ko at bahagyang humarap sa kanya.

BINABASA MO ANG
Ako nga pala ang forever mo | BTS Suga
Fanfic❝ Ang sarap pala maghabol, lasang tanga. ❞ { bangtan fanfic | completed } ©thatcoldgirl, 2015