57: Bucket List

149 28 57
                                    

Chapter 57: Bucket List

Arjin's POV

Everything went too fast. Hindi din agad ako nakapag react sa nangyari.

Napatingin ako kay Nami at mukhang hindi din siya makapaniwala. Si Jim naman ganun din at mukhang gusto niyang lumapit.

Sakto naman at dumating na yung pulis na tinawagan ni Cliff kaya napabitaw sa amin yung nga lalaking naka itim.

Naramdaman kong babagsak yung katawan ni Victoria sa akin kaya agad ko siyang hinawakan. Hinawakan ko yung ulo niya na nagdudugo pati din yung likod niya at wala akong maramdaman kundi dugo.

Natamaan siya..

"Arjin.." Rinig kong mahinang tawag niya sa akin at nakita kong napangiti siya sa akin.

Unti-unti naman siyang napapikit kaya nanlaki yung mata ko.

"Shit no, no, no." Saad ko habang pilit ko siyang ginigising.

Nakita kong nagwawala na si Nami habang hinuli siya ng pulis at sinamaan ko na lang siya ng tingin dahil yun lang ang magagawa ko ngayon.

"B-Betreese."

Narinig ko yung boses ni Louos sa likuran ko at nakita ko na umaagos na yung luha sa mata niya.

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA! ANAK NG TINAPA YUNG KAIBIGAN NAMIN NAGHIHINGALO NA OH!" Sigaw pa nila Trystan doon sa mga pulis.

Lahat naman lumapit at lahat sila di makapaniwala sa nangyari kay Ria.

"G-Guys di na tumitibok yung pulsuhan ni Ria." Utal na saad ni Chescka sa amin habang hawak hawak niya yung pulsuhan ni Victoria.

Hindi ko alam yung mararamdaman ko nung narinig ko yun. Ang daming emosyon na bigla na lang lumitaw pero nangingibabaw yung galit at inis ko.

I didn't protect her. This is all my fault.

Dumating din naman agad yung ambulansya kaya agad namin siyang sinakay doon at sumunod na din kami. Sobrang tarantang taranta kami at kinakabahan sa nangyari.

Pagkarating namin sa hospital ay agad namin sinundan yung stretcher kung asan si Victoria pero agad kaming pinatigil ng pinasok na siya sa operating room.

Bago pa tuluyan sumara yung pintuan ay napatingin ako sa kalagayan ni Victoria. Please, save her.

"Magiging okay lang ba si Ria?" Biglang tanong ni Cliff at sobra siyang umiiyak ngayon at agad naman siyang pinakalma ni Chescka.

Napayuko na lang ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Everyone is exhausted and crying. Ako lang ang hindi umiiyak sa amin. Nanatili lang ako nakatitig sa pinto ng OR.

Napasigaw na lang ang iba ng biglang tumayo si Louis sa kinauupuan niya at sinugod ako.

"Tangina mo! Ikaw may kasalanan kaya napahamak si Ria!" Sigaw niya sakin.

"Louis! Bitawan mo si Arjin!" Rinig kong sigaw ni Irene.

Pilit namang umaawat ang iba pero pati sila ay wala na ding magawa.

Umiling naman si Louis, "Hindi. Wag kayo umawat. Siya ang dahilan lahat ng 'to kung bakit sa umpisa pa lang lagi ng napapahamak si Ria." Ramdam kong nanginginig na si Louis dahil sa galit.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya ng walang emosyon at tinatanggap ko yung mga sinasabi niya.

"At putangina mo Arjin. Hanggang ngayon mahal mo pa rin yung asawa ko! Anong klaseng kaibigan ka?!"

Ako nga pala ang forever mo | BTS SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon