"Ate, sa linggo labas tayo" sabi ng kapatid ko si Marika.
Ang tagal na nga naman na hindi ko sya pinamamasyal sa labasan. Mula nung nabusy ako sa trabaho at tuwing week end lang ako may time para makapagpahinga. Na-aawa ako kay little princess. Kaya pumayag na ako.
"Sige my little princess. Labas tayo sa sabado at sa linggo simba tayo."
"Yehey" sabi ni Marika. I'm happy kapag nakikita ko sya na masaya.
"Ashley, wala kba boyfriend? Lagi kna lang nasa bahay. Ang iniisip mo lagi ay trabaho at kami. Wala kna time para sayo" sabi ni ate Marie.
"Oo nga iha. Bka kmi ay mamatay ng hindi kpa nagppakilala ng lalaki. Gusto namin magkaroon ng apo at makipaglaro pa sa knila"
Napatawa naman ako sa knila. "Ddating yun sa tamang panahon. Mag 20 lang ako sa october. Madami pang buwan para dumating yung lalaki. Yan si ate Marie muna ang magpakasal at syaka si Vincent"
"Ha? Sister, 22 lang ako. Wala pa s'akin ang pagkkasal. Nag eenjoy pa ako" sabi ni Vincent.
Lahat nag tawanan. Pumunta muna ako sa kwarto para kuhanin ang bag at para mka-alis na para mka pag trabaho.
May sumisigaw sa labas. "Tao po. Tao po. Pwde po ba pumasok?"
Sabi ni Vincent ay pumasok. Nag taka ako kong sino bumibisita s'amin ng umaga. Pero nag ayos muna ako ng kama.
"Ashley! Pumarto ka" sabi ni tatay.
"Sige po. Pupunta na ako jan" lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Jake. "Anong ginagawa mo dito?"
"Aba aba. Si Ashley may tinatago" sabi ni Vincent. Sinampal ko sya sa balikat.
"Sorry. Nagjjoke lang ako" sabay tawa.
"Tatay, Nanay. Si Jake po. Boss ko"
"Welcome iho" sabi ni nanay.
"Salamat po mrs. Guzman"
"Jake anong ginagawa mo dito?"
"Kinakaon ka at nag dala ako ng breakfast sa family mo"
"Thank you Mr.?"
"Montero po mr. Guzman. Pero para sa inyo kahit Jake nalang" sabay ngiti. Yun ang armas nya para makapang-akit ng tao.
"Anak, may sasabihin kba s'amin?"
"Ha?mmh.." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko kay tatay.
"Sir. Ako po ang kasama nya kahapon sa pag dinner."
"Ah. Kasama yung ibang employee?"
"Hindi po. Kmi lang po. Well, magkakilala kmi ni Ashley nuon pa. Kilala nyo po si lolo William? Yung nasa isang street nuon?"
Nag isip si tatay. "Aah.. Ikaw pala yung apo nya. Diba nagkita tayo sa parmacy? Tanda mo ba?"
"Mmh.. Opo. Tanda ko po."
"Ok, Sige, alis na kayo. Sa week end nalang tayo mag pulong pulong. Mallate kayo sa trabaho"
"Tatay. Busy naman lagi yung tao. Hindi naman sya pwede pumunta dito. May family din sya"
"Ha? May asawa kna iho?"
Nabigla si Jake sa tanong. "Ano po? Hindi po. Single na single po ako." Sabay ngiti and continue "Anyway, kailan nyo po gusto na pumunta ako dito?"
"Iho bka busy ka. Kapag wala ka gagawin punta ka dito ng linggo. Mga 11 am"
"Tatay! Ano ba?"
Nkka-irita!
"Oh bakit? Sabi ko lang kong pwede"
Sumagot agad si Jake. "Sige po. Pupunta po ako dito. Hindi naman po ako busy" sabay tingin s'akin.
Nkka-galit!!!
"Sige. Punta na kayo. Pakibati nalang kay William"
"Sige po" sabi ni Jake.Nung nasa kotse na kmi. Hindi ko sya kinkapulong.
"Bakit ka hindi naimik?"
"Wag mo nga ako kinakapulong" sabi ko ng pagalit.
"Bakit?"
Wala ako sagot pero hindi ko kinaya sa galit. Kaya sinagot ko. "Bakit kba pumunta sa bahay ng hindi ko alaman?"
"Kong sinabi ko sayo, papayagan mo ga ako? At syaka gusto kita kaunin. Hindi ba pwede?"
"Tama ka. Hindi kita papayagan at sabi ko sayo na wag muna ako dadaanan"
"Bakit?"
Hindi ako handa para ipakilala ka sa pamilya ko. Hanggat hindi ko na sisigurado na hindi mo ako lolokohin. Ito ang issagot ko pero hindi kona sinabi. "Basta ayaw ko"
"Ikinaihiya mo ba ako? Ayaw mo ako ipakilala?"
Oh? Bakit ako ang naging masama dito? Hayy.
"Hindi naman yun. Hindi lang ako handa"
"Hindi ka handa para saan?"
"Para ipakilala ka sa kanila. At syaka nga pala, bakit inaccept mo ang invite ni tatay?"
"Wala naman ako gagawin eh. At gusto kita makasama"
"Wala ka bang pamilya?"
Sumagot agad sya. Medyo galit? Irritate? Hindi ko maintindihan. "Sabi nga wala ako pamilya eh"
"Alam ko na wala ka asawa at anak. Ang ibig sabihin ko magulang at kapat...."
Hindi nya ako pinatuloy umimik, dahil may sinabi sya na nakapagshock s'akin at higit sa lahat ay galit sya.
"Wala ako pamilya kasi nag iisa akong anak at higit sa lahat wala na akong magulang" nung sinabi nya ito ay napasampal sya sa manobela.
Natahimik ako.. Hindi ko akalain.
"Sorry"
"Ikaw kasi ang kulit. Hindi ba pwede na makinig kna lang at wag yung madami pang sinasabi?" Sinabi nya ito hanggang pinatitigil nya ang kotse.
Nagalit...
"Sorry, Jake. Hindi ko akalain na.."
Hindi nya ako pinatuloy ng sentence.
"Baba na. Mauna kna sa office. May gagawin pa ako"
Bumaba ako at nung sinarhan ko ang pinto, umalis na sya.
Wala na sya magulang?
Sorry, Jake. Ang tanga tanga ko. Sorry, Hindi ko sinasadya.
BINABASA MO ANG
May Forever ang Playboy(?)
RomanceSi ashley may nagugustuhan na lalaki nuong pang 1st year ng college na si Jake Montero.. But this guy is a playboy na mayabang kong kumilos pero he has a part of his life na gusto tuklasin ni Ashley. Pero mula nuon nakita ulit si Jake, she left her...