Sinulyapan ko ang batang himbing sa pagtulog. She looks like an angel. She grew up longing for his father. Hindi ko naman nilihim sa kanya ang tungkol sa ama nya. I told her that his father doesn't want us to be a part of his life. That he doesn't love us which is true. Hindi ko na sinabi sa kanya ang pangalan ng ama nya para hindi na sya maghanap.
Siniguro kong komportable ang anak ko bago lumabas ng silid. Nagtungo ako sa kwarto ko saka naupo sa single sofa na naroon. Tinanaw ko mula sa malaking glass window ang kabuuan ng syudad. Sa condo ko kami nag-stay ni LC habang sa mansion sa QC naman sina mama. Bukas pa ang dating ni Kuya Pat from Paris and I'm sure sa building na ito din sya kukuha ng condo. Ayaw non malayo sa kanyang nag-iisang pamangkin.While Chester is busy finishing his studies in Harvard. Mstalino kasi ang isang yun.
Napakunot ang noo ko ng may matanaw akong billboard sa di kalayuan. Sinuot ko ang eye glasses ko para makita ito ng malinaw. I was surprised but eventually composed myself.
"Stanley again." Natatawa ako dahil hanggang dito sa condo ko hindi ako nilulubayan ng Stanley na yun.
Nangangalat ang mukha nya sa kaMaynilaan ah. Mukhang asensado na talaga ang demonyong yun. But the one's on the top has the hardest fall.
Seeing his smile from that billboard made me clenched my fist. How can he smile like that after what he did to us? I can't wait to see his reaction once he sees me. Can he still smile like that? Napangisi ako sa mga naisip ko.
"Ma-ma.. there's a mumu in my b-bedroom."
Napangiti ako ng marinig ang boses ni LC. Tumayo ako sa kinauupuan ko para pagbuksan ng pinto ang anak ko.
"M-Mama.." Umiiyak syang yumakap sa binti ko.
Kinarga ko sya para pakalmahin. Ayaw nya nga pala na mag-isa kapag natutulog. Nasanay yata na katabi ang Momsy at Popsy nya sa pagtulog.
"Hush now baby. Mama's here."
Inihiga ko sya sa bed ko at tinabihan. I was humming for her to sleep when she said something.
"Mama who is he?" Tinuro nya ang billboard na may larawan ni Stanley.
Natigilan ako sa tanong ni LC. Anong sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko bang sya ang ama nya?
No!
Hindi na dapat pang makilala ni LC si Stanley.
Magsasalita na sana ako ng muling magsalita ang anak ko.
"Look Mama! We have the same eyes!" Bumalikwas sya ng bangon at nakangiting tiningnan ang billboard.
Malamang na magkapareho kayo, mag-ama kayo eh.
Naguguilty ako at naaawa sa anak ko.
"Mama he looks like me." Nagulat ako sa sinabi nya. She's too young para marecognize na magkamukha sila.
Hindi naman kasi maipagkakaila ang pagkakamukha nila. Nagkaiba lang sila ng hugis ng mukha.
"Mama, who is he?" For the second time narinig kong tanong ni LC.
"I don't know him, baby." Inihiga ko sya patalikod sa billboard.
"I wanna know him Mama."
Nakatulog na si LC sa tabi ko pero ako kahit konti ay hindi makaramdam ng antok. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni LC.
She wants to know him.
Sana nasabi nya lang yun out of fascination dahil magkamukha sila. Sana hanggang don lang yun.
I touch her face.
"I'm sorry baby. I can't give you the father that you want. Hindi pa nahahanap ni Mama ang pwedeng maging Papa mo eh. I'm sorry for keeping you away from your father. It's the best way para hindi ka nila masaktan."
I hugged her tight.
Unti-unti na akong nakaramdam ng antok.
___
Nagising ako na parang lumilindol. I opened my eyes and saw LC jumping on my bed. She's holding her pink teddy bear while jumping.
"Mama wake up!" She jumped again.
Natatawa akong bumangon at hinila sya paupo sa tabi ko.
"Good morning baby. How's your sleep?" Inayos ko ang pajama nya na umikot na dahil sa kalikutan nya.
"It's great ma. That guy over there watch me in my sleep." Nakangiti nyang tinuro ang billboard ni Stanley.
Hindi na maganda ang epekto ng billboard ng lokong yun sa anak ko. I'll have that removed before this day ends.
"Let's grab some breakfast baby."
Kinarga ko si LC palabas ng kwarto. Para iiwas na din sa mukha ng kumag na yun.
"Bye-bye Mr. Smile."
She waved at the billboard. Baka next time kausapin na nya ang billboard na yun. Wala ka talagang nagagawang mabuti Stanley.
Nagluto ako ng pancake para sa aming dalawa ni LC. Dad called earlier. Ngayon ang board meeting ng Del Gracia company para sa pag-introduce sa akin as it's new CEO.
"Mama, I'm done!" Sigaw ni LC.
"Take a bath na baby. We're going to Momsy later." Balak kong iwan muna si LC kay Mama habang nasa meeting kami ni Dad.
"Really Mama?! Yey! I miss Momsy!" Tumakbo ito papunta sa CR ng kwarto nya.
Pumunta ako sa kwarto ko para maligo na din. Kinuha ko ang towel ko at pupunta na sana ng banyo ng mapahinto ako sa tapat ng glass window where I can see the view of Stanley's billboard. I grabbed my phone from my bed and dialed someone's number.
"This is Miss King. I want the billboard of Mr. Delgado out of my condo's view before the sun sets today." Alam na nila ang gagawin nila kung ayaw nilang mawalan ng trabaho. I hate to be rude but I guess I need to be like that to get even.
Nagpatuloy na ako sa pagpunta ng CR para maligo. Ayokong malate sa board meeting na yun. This is my first business as Danisse Salvera-King.
I heard he'll be there. He's one of the board of directors of Del Gracia Company. Matagal kong pinaghandaan ang araw na ito.
This day will be great.
I smirked at that thought.
___________________
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.