Danisse's
Tatlong araw na mula ng madischarge ako ng ospital. Hindi muna ako pinauwi ng parents ni Stan sa bahay. Hindi daw kasi ako makakapagpahinga ng ayos kapag nasa bahay nila ako dahil lagi daw akong mag-iisip kung kailan magigising si Stan. Kaya kahit gustong gusto ko nang sabihin kay Stan ang tungkol sa baby namin, hindi ko pa din magawa. Sinabi ko din kina mommy na wag nilang sasabihin kay Stan. Gusto ko kasi na ako ang magsabi sa kanya.
About Bernard naman, sinampahan na sya ng kaso dahil sa ginawa nya kay Agatha. Wala na akong ibang balita sa kanya maliban doon. Sa ngayon dito ako kina Mama tumutuloy. Lagi naman tumatawag sa akin si Agatha para balitaan ako sa condition ni Stan.
"Mama.. kelan po natin pupuntahan si Papa?" Malungkot na yumakap sa akin si LC.
Matagal na din kasi silang hindi nakakabisita kay Stan.
"Gusto mo bang puntahan natin si Papa?"
Biglang sumigla ang mukha nya.
"Yes, Mama! I want to see Papa!"
Tumalon talon pa ito sa sobrang saya. Napangiti naman ako.
"Call your kuya Drake. Prepare na kayo para makaalis na tayo."
"Err.. Mama, he's not my kuya." Maarteng sabi ni LC.
Natawa na lang ako sa kanya. Ayaw nya talagang pumayag na tawaging kuya si Drake. Months lang daw kasi ang tanda ni Drake sa kanya which is eleven months and twenty days.
"Oh sige na. Hindi na kuya. Tawagin mo na si Drake."
Agad naman syang sumunod. Naiwan naman ko na naiiling dahil sa kakulitan ni LC.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko. Kagigising ko lang kasi. Alam nyo na..buntis.
Ilang sandali lang ay paalis na kami ng mga bata papunta sa bahay nina Stan. Nagpaalam din kami kay Mama at pinaygan naman nya kami.
We reached Delgados residence at pagbaba pa lang ng dalawang bata sa kotse ay tumakbo na ito papunta sa loob ng bahay. Natatawa naman akong sumunod sa kanila.
Nadatnan ko ang mga security na parang naging alerto.
"May problema ba? Bakit hindi kayo mapakali?" Tanong ko sa dalawang bantay sa main door.
"Ahm wala po ma'am. Pasok na po kayo."
Nginitian ko na lang sila saka pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay agad kong napansin ang kakaibang katahimikan sa loob ng bahay kaya bumalik ako sa mga guard.
"Kuya, nasaan po sina mommy?" Tanong ko sa kanila.
"Umalis po sila kanina. Saglit lang naman daw po sila." Sagot nong isa.
Napatango na lang ako saka muling pumasok.
Dumiretso muna ako sa kusina dahil bigla akong nauhaw.
Kumuha ako ng baso at tubig sa ref nang may marinig ako na kalabog sa labas.
Baka yung mga security lang yun. Nag-kukulitan. Nakakaboring naman kasi talaga na magbantay maghapon tapos wala ka pang ibang pwedeng gawin.
Binalik ko sa ref ang tubig.
Isasara ko na sana yung ref nang mapansin ko ang isang baunan na may label na cucumber. Bigla akong natakam kaya kinuha ko yun at naghanda ng sawsawan. Natatakam ako sa maasim kaya kumuha ako ng suka at calamansi.
Sa kwarto na lang ni Stan ko kakainin ang mga 'to. Baka kasi kung ano na ang ginagawa nong mga bata na yun sa Papa nila.
Aalis na sana ako dala ang pagkain nang mapahinto ako sa paghakbang. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Doon ko napansin ang nilalang na nakatayo few meters away from me. Nabitiwan ko ang hawak ko at napaatras.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.