C13

25K 469 6
                                    

Right after namin magkita ni Laira ay pinuntahan ko si Stanley sa unit nya. Pinaalis ko muna sina Agatha at LC para makapag-usap kami ng ayos ni Stanley.

"May kinalaman ka ba dito?" Nilapag ko sa mesa ang folder na iniwan ni Laira kanina. Nandito kami ngayon sa sala at prente syang nakaupo sa sofa.

Kinuha nya ang folder at napangiti nang makita ang laman nito.

"Alam mo na pala." He stood up and walked towards his minicbar counter.

"Answer my question, Stanley! May kinalaman ka ba sa mga papeles na yan?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang ayoko sa lahat ay yung ginagawa akong tanga.

"Yes." Kaswal nyang sagot habang nagsasalin ng alak sa baso.

"Why did you do that?" Wala akong maisip na dahilan para gawin nya ang bagay na yun.

"Because you're my wife." He stared at me for a second saka muling uminom ng alak. Kailangan ba talagang uminom?

"Don't make me laugh, Stanley. We both know na peke yung kasal. I filed for an annulment pero may letter na dumating sa akin na nagsasabing walang record ang kasal natin. Kaya wag mong gagamitin ang salitang wife sa akin dahil never mo akong naging wife!" Masakit man pero yun ang katotohanan. We were never been married. I wanted to cry but this is the time na kailangan kong maging matapang.

"Walang record dahil yun ang sinabi ko sa kanila na ipaalam sayo at sa iba pang magtatanong lalo na si Laira." Naguguluhan na ako sa mga sinasabi nya. Nanghihina akong umupo sa sofa at tinitigan ang pigura nyang nakatalikod sa akin.

"Ano ba talaga ang plano nyo? Bakit nyo ako pinapahirapan?" There. Hindi ko na napigilan ang damdamin ko na apat na taon kong tinago. Ang galit, lungkot at hinanakit na dinala ko sa puso ko ng apat na taon.

"Please don't cry, dear. I'm sorry. I'm sorry." Tinabihan nya ako sa sofa at pilit akong pinapatahan pero may sariling utak yata ang mga luha ko. Go lang sila ng go.

"Paanong hindi ako iiyak?! You always kept me in the dark about everything! Ang dami mong lihim! Nakakainis ka na!" Pinaghahampas ko ang dibdib nya. Galit na galit ako sa kanya at kay Laira. Gusto ko ng sumabog sa sobrang galit pero wala akong ibang magawa kundi umiyak.

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon