Danisse's POV
Minulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang puting silid na kinaroroonan ko.
"Hospital again."
I let out a sigh and looked around. Nakita ko si Chester na natutulog sa couch. Ginising ko sya by calling his name.
"Chester.."
Agad naman syang nagmulat at bumalikwas ng bangon nang makita ako.
"Ate! Kamusta ka ang pakiramdam mo?"
Lumapit sya sa akin. Ngayon nya lang ako na tinawag na 'ate' kaya napangiti ako.
"Okay lang ako. Anong nangyari sa akin?" Tanong ko.
Unti-unti naman syang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.
"Beh.. ingatan mo ang sarili mo ha? Wag ka masyadong magpapagod at mai-stress. Dapat healthy ka para healthy din si baby."
"Ganon ba.. akala ko kung ano-- what?!"
Ngayon lang nadigest ng utak ko ang sinabi nya.
"Baby?" Ulit ko.
"Yes! Baby! Buntis ka. May bago na kayong baby ni Stan. Congrats!" Niyakap nya ako ng mahigpit.
Hindi naman ako makapaniwala sa balitang yun. Buntis ako? Kaya pala madalas na nahihilo at nasusuka ako nitong mga nakaraang linggo.
Napangiti ako sa sobrang saya. Hindi na ako makapaghintay na ibalita kay Stan ang good news na ito.
"Kailangan itong malaman ni Stan." Excited kong sabi kay Chester.
Bigla naman itong sumimangot.
"Paano mo masasabi sa asawa mo eh ayaw nga maniwala ng mga in-laws mo na si Stan ang ama ng dinadala mo."
Bakas ang inis sa mukha ni Chester. Bumalik sa isipan ko ang nangyari sa study room. Yung mga litrato namin ni Bernard. Kaya siguro hindi naniniwala sina Mom and Dad na kay Stan itong bata dahil sa pictures na yun. Napaiyak na lang ako bigla. Pati ba naman ang walang kamalay-malay na bata sa sinapupunan ko pagdududahan nila.
"Ate, wag ka nang umiyak. Bawal sayo ang ma-stress."
Niyakap ulit ako ni Chester at hinimas ang likod ko. Pilit nya akong pinapakalma.
"Chest, si Stan ang ama ng baby ko. Sya lang! Walang nangyari sa amin ng Bernard na yun! Wala.. bakit mas pinaniniwalaan nila ang hayop na yun?!"
Napahagulhol na lang ako sa balikat ni Chester.
"Naniniwala ako sayo, ate."
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa hilahin na ulit ako ng antok at nakatulog na ulit ako.
Naramdaman ko na lang na may humahalik sa noo ko at humahaplos sa pisngi ko.
Stan, ikaw na ba yan? Nagising ka na ba, baby?
Pinapanalangin ko na pagmulat ko ay mukha ni Stan ang makikita ko but when I opened my eyes mukha ng mom ni Stan ang bumungad sa akin.
"M-Mom.."
"Dani.. Thanks God you're okay. May masakit ba sayo?"
Napakunot ang noo ko sa mom ni Stan. Hindi na ba sya galit sa akin?
"Mom.. about the pictures.."
"No, Dani. Let's not talk about that. We already know the truth. Sorry if we didn't believe you."
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.