It's been a week since Stanley found out about LC. Isang linggo na din syang hindi nagpapakita sa akin o kahit kay LC. Tumatawag sya pero sandali lang. After nong nangyari sa mall hindi na sya nagpakita. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ni Laira pero alam kong may kinalaman yun sa hindi nya pagpapakita. Hindi ko din sya makontak. Landline ang ginagamit nya kapag tumatawag kay LC. Hindi ko na nga alam kung ano pang sasabihin na dahilan kay LC kung bakit hindi nagpapakita si Stanley. Masasapak ko talaga ang isang yun kapag nakita ko.
Napahigpit namàn ang hawak ko sa papel na inabot sa akin ni Agatha kanina. I asked her to do a research about Laira and Samonte's businesses. Halos mapunit na ang papel dahil sa pagkakahawak ko. Sinasabi sa papel na ito na binenta ni Laira ang karamihan ng negosyo nina Daddy. Yung mga business na pinaghirapan namin ni Dad. Isa na lang ang natitira at lubog pa iyon sa utang. Ibebenta na din ata yun dahil bankrupt na. Paano nya yun nagawa sa kompanya ng magulang nya? I called Agatha to check if S&S is for sale. I'm planning to buy it. Kahit yun lang ay mailigtas ko.
"Mama.. I miss Papa."
Napatingin ako sa anak kong naglalaro sa sofa bed. Sinama ko sya dito dahil nag-out of town sina Mama.
"You've just talked to him a while ago baby." Tinabihan ko sya sa sofa bed.
"But I already miss him Mama. When will I see him?" Kahit ako hindi ko alam kung kailan magpapakita ang kumag na yun. Sabi na nga ba hindi sya masaya na malaman na may anak kami.
"Mama can we go see Papa?" Hindi ko nga alam kung saan ang bahay ng kumag na yun.
"I don't know his address baby." I answered.
Tumayo si LC at tumakbo papunta sa kinalalagyan ng back pack nya. May kinuha sya na papel doon at saka inabot sa akin.
"Here mama. Papa gave that to me. He said I can visit him whenever I miss him. Let's visit him mama." Inalog nya pa ang braso ko.
Tiningnan ko ang card na inabot sa akin ni LC. Business card yun pero may nakasulat sa likod gamit ang ballpen. It was an address. Nagulat ako sa address na nakasulat dom.
This is our house's address.
Dito sya nakatira?
"Mama.." Napatingin ako kay LC.
"Baby I'll call first to Papa's office okay? I'll check if he's at home." Tumango naman ang bata.
I stood up to make the call. Dinial ko ang number na nasa business card.
"Good afternoon. Delgado Group of Companies, how may I help you?" Bungad ng babae sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.