C15

24.2K 406 11
                                    


"Mama! Papa! Wake up! It's my first day in school."

Minulat ko ang mga mata ko. Nakatayo si LC sa bed ko at nakapamaywang. Para syang nanay na ginigising ang anak. Napangiti ako. Babangon na sana ako nang may maramdaman akong mabigat sa tyan ko.

Nanlaki ang mata ko dahil nasa tabi ko si Stanley. We slept on the same bed. Kaya pala abot tenga ang ngiti ng anak ko.

"Stanley, wake up." Alam kong gising na sya. His lips formed a smile. "Kapag hindi ka bumangon pauuwiin kita sa unit mo."

Mabilis syang bumangon kaya napatawa kami ni LC.

"Pinagtitripan nyo na naman ako." Kakamot kamot sa ulo na sabi nya saka kami niyakap ni LC. "Good morning, misis." He kissed my forehead. "Good morning, baby." Hinalikan naman nya sa pisngi si LC.

"Good morning, Papa." Kumalas si LC sa yakap at bumaba sa kama. "Papa, it's my first day in school. I want you and Mama to bring me to school."

"Okay, baby. Prepare lang sina Mama at Papa then we'll bring you to school. Prepare ka na din baka malate ka."

Tumango lang si LC saka tumakbo palabas ng kwarto.

"Careful, LC!" Sigaw ni Stanley.

"Sorry, Papa."

Napailing na lang ako sa mag-ama. Hindi ko inaasahan na magiging ganito pa kami kasaya ni LC after what we've been through.

"Kahit isang oras tayo magprepare hindi tayo malelate." Pinakita ko sa kanya ang oras.

"Masyadong excited ang baby natin." We both laugh. 5 am pa lang kasi at 7:30 pa ang klase ni LC. Dahil 3 years old lang sya ay saling pusa pa lang sya sa kinder. Pinayagan ng school na maging saling pusa si LC dahil major shareholder si Kuya Pat sa school na yun.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Stanley.

"Thanks for this chance." Bulong nya.

"This is your last chance so don't waste it." Sabi ko.

Binigyan ko sya ng chance dahil gusto kong maging masaya. Gusto kong maranasan ni LC ang magkaroon ng buong pamilya at ako gusto kong sundin ang puso ko. Gusto kong maging masaya.

****

Sa labas na kami kumain ng breakfast dahil super excited ang bata.

"Papa, I want this for baon." Tinuro ni LC ang isang cake.

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon