Stanley's
Tinulak ko pabukas ang pinto ng kwarto namin.
"Daddy!" -Drake
"Papa!" - LC
Masaya nila akong sinalubong ng yakap.
"Oh baka malagyan nyo ng paint ang suit ng Daddy nyo."
Napatingin naman ako sa asawa ko na nakangiti sa akin.
"Ang aga mo umuwi ah. Tapos na ba ang mga meetings mo?" Nakangiti itong lumapit sa akin at saka ako niyakap. Gumanti naman ako ng yakap.
Thank God they're safe.
"What are you guys doing?" Tanong ko nang kumalas sila ng yakap.
Tiningnan ko ang paligid ng kwarto. Pintura pala yung akala ko ay dugo kanina. Akala ko may ginawa nang masama si Mike sa pamilya ko.
"Ito kasing dalawang bata na ito nakakita sa TV nong nagpepaint, gusto din daw nila non. Ginising pa nila ako para lang samahan sila kaya eto." Nilahad ni Danisse ang kamay nya na may pintura na pula.
"Kayo talaga." Ginulo ko ang buhok ng dalawang bata.
"Eh Daddy, si LC lang naman po may gusto na magpaint." Sabay turo ni Drake kay LC na nagulat pa.
"No, Papa. Drake told me that we should try to paint." Nakangusong depensa ni LC.
Mag-aaway na naman ang dalawang ito. Naiiling na ang akong napatingin sa dalawang bata at sa asawa ko na natatawa sa kanila.
"Amerikanang hilaw." Sabi ni Drake kay LC. Yan ang pang-asar nya kay LC na effective dahil naasar ito.
"Pato!" Ganti naman ni LC.
Kaya bago pa magkainitan ang dalawa ay pumapagitna na kami ni Danisse.
"Tama na yan. Mag-aaway na naman kayo mamaya eh. Remember, walang nag-aaway na magkapatid. Okay?" Paliwanag ni Danisse. Tumango naman ang dalawang bata at ngumiti sa isa't isa. "Clean up yourselves. Maaga tayong magdidinner ngayon."
Masigang umalis ang dalawa na magkahawak kamay pa. I can't help but smile.
Hindi na namin sinabi sa mga bata na hindi talaga sila magkapatid. I think this is not yet the right time para malaman nila. Sinabi na din namin kay Laira na nasa poder namin si Drake. Okay naman sa kanya at minsan sinasama din namin si Drake pag bumibisita kami sa kanya.
"Stan, bakit nga pala biglang dumami ang mga tauhan mo sa labas? May nangyari ba? May mga pulis din kasi na pumunta dito kanina." Nilingon ko si Danisse na nagliligpit ng mga ginamit nila sa pagpepaint.
"It's LC's birthday tomorrow, right? Gusto ko lang na maging okay ang celebration natin ng birthday nya. This is her first birthday that we're together and I want the best for my daughter."
Huminto sya sa ginagawa nya at lumapit sa akin. She cupped my face and planted a soft kiss on my lips. Saglit lang yun pero feeling ko ang tagal na magkalapat ng labi namin.
"Thank you, Stan." Aniya saka ngumiti.
I hugged her and kissed her head.
"I love you. I will do anything for you and for the kids." Sabi ko.
Humigpit naman ang yakap nya kaya may nagalit. Mukhang naramdaman naman nya ang reaksyon ng alaga ko kaya bahagya syang kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Stan, pigilan mo yan." Natatawa syang kumalas sa yakap ko at lumayo sa akin.
"Sorry, wifey but I can't." Binigyan ko sya ng pilyong ngiti. "Ginalit mo ang alaga ko kaya pagbigyan mo 'to."
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.