Gabi na kami nakauwi ni LC galing sa mall. Masaya ako dahil nag-enjoy ang anak ko sa pamamasyal namin. We went to the mall then to the park. Namili na din kami ng mga damit ."Saklolow.. Saklolow.."
Napangiti ako habang pinagmamasdan si LC na naglalaro ng kanyang mga bagong manika. She kept on saying those words. Ibig sabihin non ay saklolo. May nanakawan kasi kanina habang namamasyal kami sa park. Narinig nya ang word na yun kaya ginaya nya. She even asked me what it means. I said it means help. Kaya tuwang-tuwa sya. Marunong na daw kasi sya mag-alien.
"Mama!!" She ran to me. Nataranta naman ako sa sigaw nya. Nandito kasi kami sa kwarto ko. Naglalaro sya sa sahig at ako naman ay nakaupo sa bed at chinecheck ang email ni Agatha.
"What is it baby?" Kinarga ko sya.
She pointed her finger on the glass window.
"Mamaa.. Mr. Smile ish gone." She started to cry still pointing at the window.
"Maybe Mr. Smile is busy baby that's why he's gone. Stop crying. It'll make you ugly." Sa halip na huminto sa pag-iyak ay lalo itong humagulhol. Dati naman effective yung mga lines ko na ganon.
"I want Mr. Smile mamaa!! I want Mr. Smile!!" She cried out loud. Nagdadabog na sya at ang hirap ng pigilin. She even threw punches at me.
"Calm down baby. I'll call Mr. Smile okay. I'll send him back there." Tumigil sa pagdadabog si LC pero umiiyak pa rin.
"I want him back there now Mama! Now!"
Nakakapressure naman ng anak ko na to. Ngayon kaagad?
I heaved out a sigh and left LC on my bed. I called Agatha. Sya lang ang pwedeng makatulong sa akin ngayon.
"Agatha."
"Miss may kailangan po ba kayo?"
"Wala! Trip ko lang tawagan ka. Malamang may kailangan ako kaya ako tumawag." I rolled my eyes."Miss naman eh. Ano po ba maipaglilingkod ko sa inyo?"
Nahimigan ko ang pagkainis sa boses nya. Hindi ko na ang pinansin dahil narinig kong sumigaw si LC.
Sinabi ko sa kanya ang kailangan ko. Mukhang naintindihan naman nya. I ended the call when I hear LC cried again.
"Mamaaa!! I want Mr. Smile!!"
Napasabunot ako sa sarili ko upon hearing her scream. Tumakbo ako pabalik ng kwarto. Nasa sala kasi ako nong tinawagan ko si Agatha.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.