C20

22.5K 394 27
                                    

Stanley's POV

"Danisse, please talk to me!"

Nandito ako sa harap ng bahay nila sa QC. Kanina pa ako nagmamakaawa na kausapin nya ako pero tangin ang kuya nga lang ang laging humaharap sa akin. Tatlong araw na mula nong iwan nya ako sa hotel at tatlong araw na din na hindi sya nagpapakita sa akin. Kahit makipag usap ay ayaw nya.

"Stanley, umalis ka na. Give Danisse time to think."

"I've already gave her three days, Patrick. Gusto ko lang syang makausap. Gusto kong linawin sa kanya ang lahat. Please just let me talk to her. Kahit di nya ako kausapin, okay lang." Pagmamakaawa ko.

Kulang na lang lumuhod ako sa harap ng bahay nila para kausapin nya ako pero sadya yatang naging matigas na sya. I made him like that. This is all because of me. Galit ako sa sarili ko. Galit ako dahil feeling ko tinolerate ko si Laira sa mga kalokohan nya kaya humantong sa pagkamatay ng kapatid nya. I blame myself for everything at ngayon sa huling pagkakataon gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko sya. Not because kamukha nya si Cassidy kundi dahil sya lang ang hinahanap hanap ng puso ko.

"Kuya, papasukin mo na daw sya."

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. It was Chester. Kakauwi nya lang dito at mukhang sya ang karamay ni Danisse sa pinagdadaanan nya.

"Sa wakas pinagbigyan ka din ng asawa mo." Nakangising sabi ni Patrick habang binubuksan ang gate.

Hindi ko alam kong ngingiti ba ako sa sinabi nya. Hindi ko kasi alam kung asawa pa ba ang tingin sa akin ni Danisse.

Naghihintay sa main door si Chester. Nakapamulsa ito at nakatitig sa akin. Ngumiti lang ito ng magkatapat kami. Mas matangkad ako sa kanya kaya bahagya syang napatingala. He's just 19 pero parang mature na ang built nya.

"Good luck." Aniya saka pumasok sa loob ng bahay.

Naiiling na lang akong sumunod sa kanya. Nasa likod ko naman si Patrick na nakangisi pa din.

"Wait here." Ani Chester nang makarating kami sa sala.

Umakyat sya ng hagdan. Susunduin yata si Danisse sa kwarto.

"Magpapahanda lang ako ng meryenda." Saka umalis si Patrick.

Naiwan akong nakatayo sa may sofa. Kinakabahan ako dahil alam kong galit si Danisse at hindi ko alam kong pakikinggan nya ang mga sasabihin ko, pero wala na akong pakialam.

All I care now is my family. Ang pamilyang napabayaan ko ng ilang taon. I'll take the risks just to be with them.

Nahagip ng mata ko ang isang picture frame sa sala. Kahit hindi ko lapitan ang larawan alam kong si Cassidy yun. Ang babaeng naging dahilan ng lahat at naging biktima ni Laira. Sana nalaman ko kaagad ang lahat para hindi na humantong sa ganito.

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon