#17
It's your fault..*****
I'm staring at the crowd crazily dancing on the dance floor in the tune of a song I don't even know the title. I took another shot of tequila.
Only liquor can make me stronger. After of what I've just learned from Mama and Dad, I don't know how to face tomorrow. Sana nga hindi na dumating ang bukas. Napapagod na ako.
Pagkagaling ko kina Mama ay dumiretso ako sa isang bar at nagpakalasing. Kahit isang araw lang gusto kong maging isang normal na tao. Gusto kong makalimutan na may kakambal ako na pinatay. Gusto kong makalimutan na namatay ang parents ko dahil sa iisang tao lang. At gusto kong makalimutan na asawa ko ang dahilan kaya nawala ang kapatid ko.
I started to cry. Wala naman makakarinig sa akin dahil malakas ang music sa bar at nasa isa akong private room.
"They'll pay for what they did to you." I said in between my tears.
Bigla kong naalala si LC. I fished for my phone and dialled Agatha's number.
"Hello, mam Danisse. Nasaan na po kayo? Kanina pa po kayo hinahanap ni LC."
Pinigilan ko ang aking sarili na umiyak. Iniisip ko pa lang ang anak ko naiiyak na ako. Bakit kailangan pa na mangyari ang lahat ng to?
"Mam, ayos lang po ba kayo?"
"Yeah. Where's LC?"
"Naglalaro po sa kwarto nya. Ma'am umuwi na po kayo. Kaninang umaga pa po kayo hindi nagpapakita sa anak nyo at kay..." Kahit hindi nya sabihin ay alam kong si Stanley ang tinutukoy nya.
"Nasaan si Stan?"
Napatingin ako sa bagong pasok na waitress para sa order kong alak. She left the door open kaya dinig na dinig ang loud music sa labas.
"Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Stanley. Nasa Crimson po ba kayo?" Tama sya. I'm at Crimson, my favorite bar.
Umalis na yung waitress kaya tumahimik na ulit sa loob ng room.
"Don't tell him where I am. Ikaw na muna ang bahala kay LC. I'll be home before midnight." I ended the call as soon as I said those words.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomantikCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.