Danisse's
Dalawang araw na mula nong birthday ni LC and so far okay naman kami. Walang threat na galing kay Mike kaya nakakahinga kami ng maluwag. Everything seems fine.
Actually, today is our flight to San Francisco. We booked a night flight para hindi madistract ang mga bata sa view ng himpapawid. Baka kasi maging hyper sila. Kasama ko sa pag-alis si Drake para na din sa safety nya.
I prepared a dinner for our family today. Despidida dinner kumbaga. I checked the time and it says 5:30 pm. Stanley must be on his way. He promised to come home early today.
Pinahanda ko na sa mesa ang mga niluto kong pagkain. Habang hinihintay si Stan ay napagdesisyunan kong pumunta muna sa study room. Kagabi kasi nong pumasok ako dito para tawagin si Stan, nakita ko na magulo ang mesa nya at maraming nakakalat na mga papel.
Napabuga ako ng hangin nang makita ang mas magulong study room.
"Much better if I clean this." Sabi ko sa sarili ko saka sinimulang ayusin ang silid.
Sinimulan kong ayusin ang mesa ni Stan. Ang daming mga papers at folders na nandon. I sorted it out. Pinagsama-sama ko yung sa tingin ko ay magkakapareho. Sinalansan ko yun ng ayos sa shelf malapit sa table.
I was on the last folder nang may mahulog mula doon na isang papel. Pinulot ko yun at hindi ko na sana papansinin ang nilalaman non nang mabasa ko ang pangalan na Mikel Sullivan.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ang nilalaman ng papel. I noticed that hindi lang iisa ang papel na yun. Halos lahat ng laman nong last folder ay may pangalan ni Mikel Sullivan. It's an agreement of transferring Stanley's property to Mike. Hindi lang yun ang nakita ko.
When I opened his drawer I saw a brown envelope. Because of curiousity, binuksan ko yun. Tumambad sa akin ang mga pictures namin nong birthday. Ako, si LC at si Drake. Some pictures were taken yesterday.
"Anong ibig sabihin ng mga ito?" Tanong ko sa sarili.
Naguguluhan man ay mukhang alam ko na kung ano ang mga ito. Tinago sa akin ni Stan ang bagay na ito.
I inhaled sharply. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I fished for my phone and called the airlines.
Walang aalis hanggat hindi ko nalalaman ang totoo.
- - - - - - - - - - -
Stanley's
Maaga akong umuwi ngayon dahil ngayon ang alis nina Danisse at ng mga bata papunta ng San Francisco.
"I'm home." Sigaw ko pagdating ko sa bahay.
Agad naman akong sinalubong ng dalawang bata.
"Daddy!"
"Papa!"
I hugged the kids and kissed them on their forehead. Mamimiss ko ang dalawang 'to kapag umalis na sila. Mas mabuti na din na wala sila dito. Hindi sila magagalaw ni Mike.
Biglang tumunog ang phone ko. Speaking of the devil. Mike is calling again. Ano na naman kaya ang gusto nito?
I gestured the kids to play outside. Sumunod naman ang mga ito. Pumunta ako sa study room para doon kausapin si Mike.
"What do you want?" Bungad ko sa kanya.
"You know what I want, Delgado. The papers."
Napamasahe ako sa sentido ng maalala ang papers na pinadala nya kahapon. It's an agreement that I should transfer my properties under his name.
"I forgot about that. Sorry." Pagdadahilan ko kahit ang totoo ay wala akong balak na pirmahan yun.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.