Dani's POVNakauwi na kami ngayon mula sa presinto. Hawak na ng mga pulis si Laira at kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi pa rin ako matatahimik hanggat hindi nahuhuli si Mike.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na biktima lang din si Laira sa lahat ng ito at masaklap ang mga pinagdaanan nya. Akala ko masama syang tao, hindi pala. Naging masama lang sya dahil kay Mike.
Sa kabila ng lahat ng nalaman ko, isa lang ang iniisip ko ngayon. Si LC. Nanganganib ang buhay ng anak ko kay Mike. Sinabi ni Laira na gagawin lahat ni Mike makuha nya lamang ang gusto nya.
"Dani.."
Naramdaman ko ang paghawak nya sa balikat ko. Nandito kasi ako sa veranda ng condo ko. Nagpapahangin at nag-iisip na din.
"You should get inside and take a rest." Aniya.
"Mamaya na, Stan." Tugon ko.
Bumaba ang mga kamay nya sa bewang ko. Nakatalikod kasi ako sa kanya at nakahalukipkip. Parang may nagkakagulo naman sa buong sistema ko dahil sa mga hawak nya. Mainit ang palad nya na nakatulong para maibsan ang lamig na nararamdaman ko ngayon.
"Dani, I'm sorry." Aniya saka ako niyakap mula sa likuran.
Hindi ako nakagalaw kaagad sa ginawa nya. Para akong natuod sa kinatatayuan ko. I let out a sigh and stayed silent. Hinayaan ko na lang sya na yakapin ako.
"Dani, we already know the truth. Ginawa ni Laira ang lahat ng yun hindi dahil sa akin. Laira was just an instrument of Mike. Are you still mad at me?" He rested his head on my shoulder.
Yun na din ang iniisip ko kanina. All this time wala pala talagang ibang reason para magalit ako Stan. Except for the fact that he first loved my twin.
"Stan, minahal mo ba ang kapatid ko?" Bigla kong naitanong.
Naguguluhan naman syang tumingin sa akin. I didn't turn to look at him dahil pag lumingon ako baka magtagpo ang mga labi namin.
"I loved her Dani, but that was before nong hindi ka pa dumadating sa buhay ko. Ikaw na ang mahal ko ngayon. Ikaw lang." Siniksik nya ang ulo nya sa leeg ko. Nakakakiliti yun pero hindi ako nagpahalata baka isipin pa nya kinikilig ako kahit kinikilig naman talaga ako.
"Nong pinakilala ako sayo ni Laira, anong unang pumasok sa isip mo? Inisip mo ba na ako si Cassidy."
Naramdaman kong inamoy nya ang leeg ko. Oh God! Patigilan mo po sya baka di ako makapagpigil. Baka masunggaban ko na sya.
"Honestly, at first I thought you were Cassidy but when you spoke to me, I knew you were not her. Aside from your hair style, magkaiba din kayo sa way ng pakikipag-usap kaya alam kong hindi ka si Cassidy. Bakit mo naitanong? Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sayo?" Bahagya syang lumayo para makita ang mukha ko.
I wish hindi nya makita na namumula ako.
"I love you, Cassandra."
Gusto ko nang kiligin sa harap nya pero pinigilan ko. Not yet Danisse. May dapat pa akong malaman at gusto kong magmula yun kay Stanley.
"How much do you love me and LC?"
Tiningnan ko si Stanley. Nakangiti sya habang nakatingin sa kawalan. Hala! Nabaliw na yata ang isang to. Magsasalita na sana ako nong tumingin sya sa akin. Konti na lang magdidikit na ang mukha namin kaya nag-iwas ako ng tingin.
"I love you so much, Dani. I love you like a fat kid loves a cake. I love you and LC. Kayo ang kayamanan ko. I don't mind losing everything as long as I have the two of you." Hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
The King's Revenge
RomanceCassandra Samonte, Inapi. Pinaasa. Ginamit. Niloko. Bumangon. At magbabalik bilang Danisse King. To get her revenge to the people who hurt her. Who turned her heart into stone.