C21

20.5K 387 0
                                    

Dani's POV

After three days of being off to work I decided to go back. Madami na din akong naiwan na trabaho mabuti na nga lang maagap at masipag si Agatha. Naa-update nya ako sa kompanya.

"Miss, may tawag po kayo sa line 2 si Inspector Lopez po."

Dinampot ko ang receiver .

"Mr. Lopez, kamusta po ang pinaiimbestigahan ko sa inyo?" Bungad ko habang abala ang kamay ko sa pagpirma.

"Miss King, base po sa pag-iimbestiga ko nalaman ko po na may naging foul play nga po sa pagkamatay ng kapatid nyo. Ang pinagtataka ko lang po ay ang report na ginawa ng mga police na aksidente ang lahat. Hinala ko po may kasabwat ang suspek sa loob ng pulisya." Natigilan ako sa sinabi nya.

Ibig sabihin hindi lang iisa ang may kinalaman sa pagkamatay ng kapatid at magulang ko.

"Alamin mo kung sino ang kasabwat ni Laira Sullivan sa pulisya."

"Sige po Miss King. Tatawag na lang po ako ulit."

Binaba ko ang receiver saka tumingin sa kawalan. Kailangan ko ng kumilos. Hindi ko hahayaan na maging threat pa sa buhay ko at ng anak ko ang Laira na yun.

"Agatha." I called out.

"Bakit po Miss King?" Inayos nito ang salamin nya na umabot na sa ilong nya. Hindi pa kasi magcontact lens.

"May progress ba sa pinaparesearch ko sa'yo about kay Laira?"

"Ah opo. Eto po." Nilapag nya sa mesa ko ang isang folder. "Sinasabi po dyan na may business na itinayo si Ms. Sullivan three years ago. Nag-invest din sya sa iba't ibang mga company. Sinigurado din po nya na lahat ng property ng mga Samonte ay nakapangalan sa kanya kaya po madali lang sa kanya ang magbenta ng property."

Sinuot ko ang reading glass ko saka binasa ang laman ng folder. Napapangisi ako sa mga accomplishments nya bilang Samonte. Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman ng lahatcna hindi sya tunay na Samonte at isa syang impostor.

That would be fun. I love fun!

Iniscan ko na lang ang laman ng mga folders pero napahinto ako sa isang papel na may pangalan ni Stanley.

"What's this?" Tanong ko kay Agatha.

"Ah yan po yung agreement na ginawa ni Mr. Delgado para sa anak nila ni Ms. Sullivan. Pero napawalang bisa po yan dahil nalaman po ni Mr. Delgado na hindi nya anak yung bata." Agath declared. Binasa ko ang laman ng papel.

Nakasaad doon na walang ibang magiging koneksyon sina Stanley at Laira. Ang responsibilidad ni Stan ay kay Drake lang at wala ng iba.

He's telling the truth. Wala nga silang koneksyon ni Laira.

I flipped the paper at bumungad sa akin ang mga contract at deed of sale ng iba't ibang properties nina Dad. The properties were  sold to different businessmen. Hindi nya magagawa ang lahat ng ito kung walang tumutulong sa kanya. Kailangan kong malaman kung sino at kailangan ko syang pagbayarin.

"Agatha, call Ms. Filipe. Tell her that we're doing the Crystal project." This is the beginning of my sweet revenge.

"Miss, she already set an appointment with you today at 3 pm." Umaayon talaga sa akin ang lahat.

Ngumiti ako kaya kinunutan ako ng noo ni Agatha. She must be thinking that I'm crazy. I can't blame her.

"Pakiready ang conference room, Agatha. Send her there when she arrive and prepare a presentation for the Crystal Project."

I gestured her to go out after I gave her instructions. Binalingan ko naman ang mga deed of sale ng properties ko dati. Karamihan nga doon ay nakapangalan sa akin katulad ng sinabi ni Stanley. Pero ang iba ay sa mga hindi ko na kilalang mga negosyante.

About the Crystal Project, isa yun sa mga projects na pinag-aagawan ng mga fashion designers ngayon. Sad to say but it's mine now. Alam ko hindi ako fashion designer pero I have the money to buy that project. Lahat gagawin ko, mawalan lang ng project ang business ni Laira.

"You owe, you pay." Sambit ko kasabay ng isang masayang ngiti.

------

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon