C29

16.5K 267 5
                                    


Stanley's

Mabilis kong narating ang hospital na pinagdalhan kay LC.

"Dani.." Untag ko sa tulala kong asawa.

Tumingin sya sa akin na puno ng galit ang mga mata. Ngayon ko lang sya nakita na ganito tumingin.

Pak!

Isang sampal ang tumama sa kanan kong pisngi na nasundan pa ng isa sa kaliwa.

"Kasalanan mo 'to! Kung hindi ka sana nakipagkasundo sa Mike na yun, hindi sana ito mangyayari sa anak ko! This is all your fault!!" Pinaghahampas nya ang dibdib ko.

I tried to stop her pero puno ng galit ang puso nya kaya hinayaan ko na lang sya na ibuhos sa akin ang lahat ng nararamdaman nya. Totoo naman na kasalanan ko kung bakit nangyari 'to.

"If..something happens to my child, I swear to God hinding hindi kita mapapatawad." She said in between her tears.

Parang nagpanting naman ang tenga ko sa sinabi nya. I admit na kasalanan ko kung bakit nangyari ito pero hindi ko naman ginusto na mapahamak ang mga bata. All I did was to protect them. Kahit kapalit pa non na ako ang mapahamak.

"Walang may gusto sa mga nangyari, Dani kaya hindi naman yata tama na sa akin mo isisi ang lahat. In the first place, ikaw naman ang nagpadelay ng lahat eh. Kung sana hindi ka na nakialam sa mga gamit ko hindi na sana maiinip si Mike at hindi nya sana ginawa ito! I told you to leave pero pinilit mo ang gusto mo! Anak ko din ang napahamak so don't act as if ikaw lang yung nasasaktan dahil sa ating dalawa ako yung sobrang nasasaktan! Ngayon ko lang nakasama ang anak ko pero nangyari pa ito!" I yelled at her.

Sakto namang dumating ang parents ko at sina tita Divine.

"Anong nangyayari dito? Bakit ka sumisigaw, Stanley?" Humahangos na lumapit sa akin si Mama.

"Anong nangyari sa apo ko?" Nag-aalala namang tanong ni Tita Divine.

Walang sumagot sa amin ni Dani kaya hindi na sila nangulit pa.

"I'll find that guy at pagbabayarin ko sya sa ginawa nya sa anak MO. Ibabalik ko din dito si Drake." I said with anger. I emphasized the word 'MO' para ipadama sa kanya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. She just stared at me.

"Anak, where's Drake?" Naiiyak na tanong ni Mama. Naging malapit na din kasi sa kanila si Drake.

Hinarap ko si Mama at saka pinakalma.

"Kinuha po sya ni Mike pero sisiguraduhin ko po na maibabalik sya dito ng ligtas at pagbabayarin ko si Mike sa ginawa nya sa anak ko. Gagawin ko lahat kahit kapalit pa ang buhay ko." Malungkot kong sabi saka sila tinalikuran.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Dani sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. I've experienced a lot of pain and heartaches but the most painful is seeing your child suffering and your wife is blaming you for everything. It hurts me seeing my wife's eyes while she looks at me. I did everything but I guess it's not enough.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Jason. As I promised, gagawin ko ang lahat para pagbayarin si Mike.

After kong tawagan si Jason para sa plano ko ay tinawagan ko naman ang mga pulis para makipagcooperate sa kanila. I told them my plan at pumayag naman sila.

Sunod kong tinawagan ang taong may gawa nito.

"Stanley, I'm glad you called." Masigla nyang bungad. "Sorry about your daughter. Sya naman kasi eh. Masyadong pasaway."

Napakuyom ako ng kamao ng marinig ang boses nya. He sounds like teasing me. Nagtagis ang mga bagang ko sa galit.

"Let's finish this, Mike! Ibibigay ko sayo ang gusto mo. Just let my son go and stay away from my family." Galit na sabi ko.

The King's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon